Dinala namin sa casa yung grand starex para ipacheck yung alternator, kasi nadidischarge yung battery pag overnight nakapark, pero once nagstart na yung engine, malakas naman yung battery, kaya hinala namin ay alternator. Casa said ok naman yung alternator at yung battery ang sira then we have to pay 850 for diagnostic fee. Discounted na daw from the original price of 2,500 dahil suki na daw kami.

Tanong ko lang kung talaga bang may charge ang diagnostic fee kahit under warranty pa yung sasakyan? Kasi based on experience namin sa chevrolet, out of warranty ang battery, when diagnosed na battery ang sira, we bought battery sa labas at ipinakabit sa kanila, walang charge kahit singko kasi ang sabi covered pa ng warranty yung sasakyan. Towed pa from bulacan to pampanga free of charge.