Maraming salamat po sa mga napaka informative na information.
As of the time being po hindi pa ako capable na bumili ng brand new car. Buying din po kasi ako ng a few hectares of land sa province namin (nagpupundar before bumuo ng sariling pamilya hehe), and kung ano man po ang sobra dun eh yun lang ang pwede ko i-allot para sa car.

Mukha nga po na talagang malaking sugal ang pagbili ng used car kaso eto lang po talaga ang afford ko as of the moment, ayaw ko din naman po na magfinancing sa bank kasi hindi po ako comfortable na may binabayaran for how many years, if ever man po na bumili ako ng brand new more likely na cash paid in full ang gagawin ko.

Sinusubukan ko nga po na mapaabot kahit 350k man lang yung pambili ko para naman mga year 2000 and up yung mabili ko na car tulad ng sinuggest nyo.