Nageksperimento ako para maisolate ung problem. Sinubukan kong itakbo ng medyo malayo ung kotse para uminit ung makina tapos pinatay ko ung makina nung nasa average temperature na siya. Kaso di naulit ung problem. Sinubukan kong start ng ilang beses ung kotse para tingnan kung mauulit ung problem. Di pa din naulit.Buti na lang, sinubukan ko din na parang ikatease ung starter. Start ko pero di all the way. After mga 3 to 4 clicks, parang nadiskarga ung battery. So kumuha ako ng pangseries na cable saka battery galing sa isang sasakyan namin. Ayun nagstart siya. Inulit ko ung process. Kapag ung battery lang namin ng kotse mismo nauulit ko ung problem pero kapag nakaseries ung battery galing sa oner namin, nagsstart siya. So I guess, battery nga ung problem. tama nga siguro ung napagtanungan ko nung una na mahina daw ung amperahe ng battery ko(dyna power). Balak kong palitan ng motolite enduro, medyo mahal din kasi ung motolite gold. hehe. Also considering outlast, kaso ala pa akong experience sa outlast. Maganda bang tatak ang outlast? Ung Motolite kasi subok na naman dati pa. hehe