Results 1 to 10 of 48
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 188
October 24th, 2009 05:55 PM #1share ko lang sa inyo experience ko sa loob ng service bay ng honda Quezon Ave. Sobrang na shock ako sa trato nila sa mga sasakyan na pinapaservice sa kanila.
Sinamahan ko kapatid ko kahapon na kunin yung purchase nyang honda civic, medyo late na din kami nakarating kasi late na dumating sa honda P.O ng bangko. 6:30 pm na ng pinakita samin ung unit, so inspect muna namin ung unit kung may gasgas ba or nalubog ba sa baha ung unit, habang nag iinspect kami may grupo ng mekaniko dun sa tabi ng unit namin nagbibiruan at naghaharutan, may mga nakatapak pa sa mga upuan ng mga sasakyan ng mga nalubog sa baha, meron naman nakahiga at nirorock pa ung mga upuan, wala silang pakialam kung madeform ung mga paa nung upuan na pinagkakabitan ng tornilyo. pinaparinggan kami baka daw may biglang lumabas na daga dun sa unit sabay tawanan. hindi na namin masyadong pinansin dahil ayaw namin malasin nung araw na yun lalo na brand new unit ang kinukuha namin.
meron pa ako nakita pinaglalaruan ung mga pinto ng honda city, binubuksan nila at pagkatapos biglang isasara ng malakas sabay tawanan, ganun daw kasi ung pinakamadaling paraan para matanggal daw mga kalawang, hindi man lang nila naisip na may customer sila na nakakakita sa katarantaduhan nila.
ito pinakamatindi sa lahat, doon ko lang nakita na hindi uso gumamit ng preno, ang bibilis ng pagarangkada tapos sabay hatak ng handbreak, hindi lang isang mekaniko ang gumawa nun kundi dalawa sila, tsaka hindi rin uso sa kanila busina, basta nakaharang ka gigitgitin ka nila dun, halos sumagi nga sa braso ko yung isang huamarurot na honda jazz dun, pagbaba ng driver nakita ko mekaniko din pala ng honda yun, sobrang mga barumbado sa mga sasakyan.
mabuti na lang hindi namin pinadeliver ung unit sa kanila kundi kawawa din yung civic ng utol ko, sobrang barumbado at bastos ng mga service nila dun grabe.
-
October 24th, 2009 06:01 PM #2
bro since nakita mo sila at naandoon ka na rin lang bakit di mo kinausap ang manager nila at sinabi ang mga katrantaduhan ng mga mekaniko nila. wag nating palalagpasin ang mga ganitong bagay para hindi umabuso. kailangan kumilos din tayo para magbago ang sistema.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 188
October 24th, 2009 06:10 PM #3ganun nga yung ginawa ko nung time na yun, kinausap namin yung agent, pinapatawag namin sa kanya yung service manager dun kaya lang ang sabi samin ng agent nakauwi na daw, sabi nya ipaparating daw nya sa manager nya yung mga nangyari kagabi.
kanina nag update sa akin yung agent namin, ang sabi pinatawag daw sa office yung lahat ng mekaniko dun pero hindi daw nya alam kung ano daw ang nangyari pagkatapos nun.
-
October 24th, 2009 07:16 PM #4
Thanks for the tip. This could inform all honda owners out there who's having their car serviced at Honda QA
BTW, mods, please move this to the " Goon Squad HQ "Last edited by renzo_d10; October 24th, 2009 at 07:19 PM.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2009
- Posts
- 197
October 24th, 2009 07:27 PM #5Sir sana na video mo or na picturan. Anyway huwag ka na magpa PMS dyan lalo na sinumbong mo sila baka yariin pa sasakyan nyo dyan. pero huwag din kayo sa pasig mag pa PMS madami rin horror stories dyan. sa honda SPA na lang kayo magpagawa if ever.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 1,842
October 24th, 2009 07:31 PM #6Sa dami talaga ng sineservice ng mga dealership, hindi ako magtataka kung bumaba ang service standard nila.
am sure naghire iyan ng mga temporary workers, at malamang iyan mga OJT or possible na hindi qualified mechanic
Kaya sa mga nagpapaservice, ingat sa mga nangangatay ng mga parts. or Aalisin parts nyo para matest sa kabila. mga nangangahoy ng pyesa
Make sure may Checklist kayo!
-
October 24th, 2009 07:33 PM #7
im quite shocked myself about this...
nakakahiya talaga.
for a well known dealer like HCQC which i presume is well funded, don't they have surveillance cameras by their security department to report their "harsh pleasures"???
-
October 24th, 2009 08:43 PM #8
Magandang paalala eto....kaya dapat pag nag pservice tutukan..kaso sa casa bawal ... Wala pala silang TLC
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 188
October 25th, 2009 01:56 AM #9walang anuman renzo. I'm sure naman kung kayo rin ang makakita ng ganun sigurado ipopost nyo rin dito to warn others.
oo nga e sana nakapag video ako pero mismo ung agent namin nawitness ung mga kalokohan ng service nila kaya nga todo hingi ng dispensa ung agent sa amin.
never ko talaga ipapaservice sa kanila ung kotse. sigurado bababuyin lang nila.
oo malamang mga ojt lang yung mga yun dahil napakarami nila doon past 7pm na may gumagawa pa. baka nga kumuha sila ng mga temporary workers sa sobrang dami ng mga nagpapaayos sa kanila.
no, wala silang surveillance cameras, kaya nga malalakas loob nila mambaboy ng sasakyan.
sa nakita namin sa honda qa sa may customer's lounge pwede mo makita ung sasakyan na sineservice nila kaya nga lang nung time na yun kaya malakas loob nila walanghiyain ang sasakyan e dahil alam nilang wala dun ang may ari dahil halos lahat ng mga kotseng nandoon puro nalubog sa baha.
-
October 25th, 2009 06:48 AM #10
If this were true I would think twice before entrusting my Honda to these "seranikos" on the loose.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines