Results 1 to 4 of 4
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 98
September 8th, 2014 07:07 PM #1Mga sir, advise naman sa dalawang concerns ko
1) Ano kaya magandang diskarte sa wiper ng hatch ko, nagpalit na ako ng linkage bushings pero lagi pa rin nababaklas, nung monday nga nilagyan ko na ng clear epoxy un bushing mismo bago ko kinabit pero natanggal na naman kanina kaya hinde na naman nagana wiper ko.
2) Ano po ba effective at madaling pang-alis ng sticker na hinde mako-compromise ang paint? Gusto ko kasi alisin un nakalagay na SOHC VTEC sticker sa auto kaso sobra dikit at hnde kaya ng kuko lang.
TIA
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 2,271
September 9th, 2014 05:44 PM #2ang pinalitan moba ay ung plastic bushing..hindi mo dapat nilagyan ng epoxy.grasa nilalagay ko dun .
kung bumibitaw sa pinaka balljoint niya talian mo ng ginupit na interior ng motor lagyan mo ng suporta,wag mo masyadong higpitan
ung tipong naka alalay lang,
sa sticker naman. magpa kulo ka ng tubig sa takure.
pag mainit na saka mo ibuhos dun sa sticker.kung sa body naka dikit ang sticker.
kung sa glass naman heat gun kailangan mo.kung walang heat gun hair blower nalang ni sister gamitin mo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 98
September 9th, 2014 07:01 PM #3Yes, yung plastic na bushing mismo. Correct me if Im wrong sir ha, di ba kung grasa ang ilalagay ko dun mas madaling kakalas yun bushing sa balljoint sa ilang hagod pa lang ng wiper dahil sa dudulas sya? Yung gomang interior na sinuggest nyo sir mukhang pwede, ang tanong ko lang hinde po kaya magkakaroon ng resistance sa motor o malilimitahan nya yung paghagod ng wiper?
Ok copy. Thank you sir jaypee10
-
September 9th, 2014 07:33 PM #4
Dapat ata grasa kasi gumagalaw yun eh. Sa hatch ko dati natanggal din bumili na lang ako ng bushing sa auto supply saka ko kinabit after ko lagyan ng grasa.