Pero katakot nagbenta ng 2nd hand pinalabas na brand new...
Di naman second hand yun ibinigay sa buyer. Na damage in transit/storage yung brand new car at ni-repair ng madalian at palihim para ma release sa client. Di ako naniniwala na walang kinalaman dito ang management ng dealer - ginawa lang scapegoat yung mga tauhan sa shop floor.

Sa palagay ko this happens more often than people realize. Yung Civic ko way back in 2007 may repainted portion sa B-pillar going to the C-pillar na di halata nung brand new. I have perfect vision but di ko nahuli yung repainted part na yun upon delivery. Yung suki ko pang PDR guy nagsabi sa akin na repainted na iyon - at di pa ako naniwala. Na confirm ko na lang nung lumabas yung dugtong (mapa) sa repainted portion malapit sa rear quarter panel around 3 years later. Maayos naman ang pagkakagawa at sakto yung kulay. Of course di na masaklap kasi naconfirm lang kailan out of warranty at medyo luma na yung sasakyan. Iba siyempre kung natuklasan iyan nung bago pa...

Kaya sa mga owner/management ng mga dealerships dyan, please lang higpitan ninyo yung management at surveillance sa mga shop floors ninyo para di kayo out of pocket sa mga kalokohan at negligence ng crew ninyo... Iwas pa bad PR. Dapat may CCTV cameras ang entire facility.