Huwag na kumuha ng converted. Noob pa pala yung TS sa kotse.

Yung 4EFTE engine, 1.3L Turbo siya. Pero para sa baguhan tulad ni TS hindi niya kailangan yan.

Masarap magkaroon ng turbocharged na kotse, masakit nga lang sa ulo .. at sa bulsa. Hehe.

* TS, ano ba priorities mo? Simpleng school service lang or gusto mo ng all-out school service na may ibubuga?

Kung gusto mo may ibubuga, bile ka ng Sentra series 3 pakabitan mo ng SR20DE or SR20DET na makina. Yun palang, matutuwa ka na.

Pwede rin mga AE92 Corolla or AE101 na corolla tapos salpakan mo ng either 4AGE ST or BT para sa duluhan or di kaya ng 4EFTE para sa torque. ;)

Kung simpleng service lang naman, yun nga gaya ng sabi ko kahit Hyundai Getz ayos na.