Kagabi na ata ang worst driving experience na nangyari sa akin... i dont know kung dito ang proper section to post pero i'll go ahead anyway. Last night meron akong naka sabay na arroganteng gen1 Beige with HID and amber signals na Honda CRV (eto lang natandaan ko) along Philcoa. pa merge ako sa traffic sa eliptical road nang bigla syang nagflasher tapos tinutukan ako ng dikit na dikit, i decided to let him pass pero i gave him a run side by side hanggang Quezon Ave. i instantly pass him making him chase me, ang nakakainis is when we are side by side dinidikit nya ng husto sa gilid ng kotse ko yung kotse nya na halos matamaan nya side mirror ko. i decided to run flat out until roosevelt kala ko kasi bumitaw na sya sa habulan, saka iwan na kasi talaga sya. pero upon reaching quezon ave cor araneta he manage to catch me at the stoplight, sa kakagit-git nya i decided to let him pass. pero instead of passing na CUT sya sa akin, when i saw that it was GREEN LIGHT pero nakahinto sya tapos akmang bababa nag reverse ako ng matulin sabay humataw turning right to Araneta, akmang bubunot pa sya ng baril sa parang belt bag nya pero dahil humataw nako before he can even get his gun, hinampas nya na lang kung anong hawak nya yung side mirror ko buti hindi nabasag yung turn signal repeater ko pero may markedly visible blue scratches sya ngayon. i ran flat out to araneta heading Sgt. Rivera, upon reaching Retiro i saw that he signalled left sa rearview kaya i decided to go straight, pero maya maya nakita ko dumerecho na din sya, upon reaching Del Monte inabot ako ng stop pero the CRV is still chasing me 'hot pursuit' mode talaga sya, swerte ko there are about 3-4 cars behind me before him, since i reached the intersection in red lumiko na lang ako sa Access rd ng paliko ng Del Monte pero nag counterflow ako to make a U turn back to Araneta heading Q. Ave uli, unfortunately gumaya din sa daan ko yung CRV so he was just behind now without much cars between us. Upon reaching Retiro, i tried making a very fast 90 degrees right turn at around 70kph, hoping that i could lose the CRV sa curve na unanticipated turn. Saka i was thinking na SUV sya kaya baka hindi nya kaya kumurba ng masyadong mabilis pero nasa tail pa din sya then turned abruptly to left to Sto. Domingo then kung saan saang streets hanggang i lose sight of him finally. Grabe!!!!! Ganun pala pakiramdam ng running for your life. I even pass one squatters area siguro i was running at 80kph then stopped abruptly para sabihin ko tumawag sila ng pulis kasi hinahabol ako ng kotse sa likod. Nung nawala na sya hindi ko alam kung hihinto ako para mag park muna natatakot kasi ako, buti na lang while merging back to biak na bato area, may nakasalubong akong Mobile Patrol. I was shaking and trembling nung sinabi kong hinahabol ako ng CRV na may baril, even my brakes when i stepped out of the car eh nangangamoy na at medyo malalim na yung pedal medyo nag fade sa sobrang hard running na ginawa ko pati tire sidewall ko medyo na worn out. I told the Police what happened pero hindi nako nakapa-blotter kasi hindi ko nakuha yung plate nya sa sobrang madali ko. Nagpa escort na lang ako hanggang sa makarating sa Village namin, sabi ko na lang kasi sa bandang Banawe ko sya nakita naligaw na kapag nakasalubong namin bubusina at mag hazard ako. Thanks to SPO1(?) dela Pena at sa buddy nya na nag convoy sa akin hanggang sa Village namin. Sabi sa akin ng Pulis parang style daw ng mga carjacker yun, esp windows down daw ako baka nakita na bata ang nagmamaneho, pero i doubt. basta ang sure ako, a$$hole sya na mainitin ang ulo, may baril and dangerous ang temper. Honda CRV beige sya naka mags ata, amber signals at naka HID. Sorry hindi ko talaga nakuha plate number.

Grabe talaga, iba pala ang pakiramdam pag running for your life ka na. I thought that was my end. Thanks my Vios saved my life. Buti na lang mabilis mag accelerate Vios ko at mas mabilis sa curve kesa sa CRV kung hindi todas na ako. Guys sana ingat kayo baka makasabay nyo ogag na yun.

Trauma nako, hindi muna ako gagamit ng kotse ngayon. Hindi ko padin ma explain feeling lalo ngayon nagfla flashback pa mga nangyari sa akin...

Basta peeps be warned of that CRV, yung driver looks late 20s early 30s, 5'8-5'9, chinese looking din.