Results 1 to 10 of 38
-
July 25th, 2012 03:27 AM #1
Uso na ba ito ngayon?
Kumakain kami sa Mang Inasal. May mag ina na lumapit sa amin. May pushcart and sm supot sa cart (malamang props). Hindi ko pinapansin dahil gutom na ko. Hindi din pinapansin ni commander. Ayun nilabas ang palad at nanlimos samin. Hindi na lang pinansin. Nagmamadali din kami at busy day iyon.
Akyat kami sa Jollibee to buy a float. Nasa pila ko may lumapit sakin. Penge daw barya. Ibibili daw niya ng Jollibee spaghetti anak niya. Hindi ko pinansin. Tapos nagsalita yung dispatcher sa radio na nasa ilalim ng polo ko. Ayun biglang umalis at hinablot yung kasama niyang bata na nakaupo sa nearby seat. Akala ata guard ako ng SM. Sa bagay, mukha naman akong sikyu and pareho kami ng bihis ng plainclothes security nila. Hehe,
Dun naman sa Jonas sa 3rd floor (ibang araw na ito). Kumakain ako biglang may lumapit na naglalako ng kung ano anong native sweets. Bwiset.
Hindi ba kaya icontrol ng management ito? Ganito na din ba sa ibang malls lately?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 173
July 25th, 2012 03:34 AM #2Pabayaan nalang natin siguro, bwisit, wala naman tayong palag sa mga ito dahil pag tayo nagreact, magiging "Mapangapi" pa tayo, haaay
-
July 25th, 2012 08:32 AM #3
Hindi na rin masala ng mga jaguar iyan sa entrance dahil maaayos din naman silang nagbibihis....
Kahit sa Ayala Malls malamang ganyan din,- for example dito sa ATC.....
16.4K:bond:
-
July 25th, 2012 09:01 AM #4
Sa food court naman sa SM North EDSA may tatlong lalaki na kinakain yung mga tira-tira.
-
-
July 25th, 2012 09:33 AM #6
Nakakita na din ako nito sa SM North foodcourt, kinakain nila yung natirang food after umalis yung customers, though i find nothing wrong with it, at least di sila nagnanakaw.
May pagkakataon na din na may nag-alok sa min ng sweets, sa SM Manila naman, saka yung nag-aalok ng mga novena ng mga santo, sa SM Baguio foodcourt.
-
July 25th, 2012 09:36 AM #7
mahirap kasi sa mall security.. pano nila ma identify yan.. eh nakadamit nang maayos naman.. pano nila hindi papapasukin.. dapat may roving guards.. tapos pag nakita na ganon.. i escort palabas..
-
July 25th, 2012 09:43 AM #8
eto matindi sa may dela rosa car park 2 foreigner puti pero hindi american, lumapit sa akin sabi niya: "money for food"
-
July 25th, 2012 09:46 AM #9
medyo matal-tagal na din ata iyong gawain na ganyan. sa sm southmall foodcourt dati meron na din akong nakita na ginagawa iyan. in any case, nuisance lang naman sila at the most
-
July 25th, 2012 09:48 AM #10
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines