Results 1 to 10 of 16
Threaded View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2005
- Posts
- 16
October 10th, 2005 01:52 AM #1Ok, hindi naman talaga issue yung pagkakatama sa side mirro ko. Ang hindi ko nagustuhan ay yung attitude na ipinakita sakin nung driver.
Hindi ko alam name nung street, pero perpendicular siya sa West Ave. at may church sa kanto. Nandito rin yung building na ang tagal ng ginagawa.
Bale ~200 meters away from the stoplight, ginagawa yung kalsada so medyo masikip. Hindi ko masiguro kung 2 lane pa ba yung road kasi 1 lang yung nakasalubong ko kanina at hirap na hirap makalusot considering na maliit lang yung kotse (Honda City). Habang nakapila, may isang puting Pajero (ECP 32*, hindi ko na ilalagay yung last digit... 1,2 o 3 lang pagpipilian...) na nagpumilit sumiksik sa gilid ko dahil nainip na ata sa pagpila at kahihintay. Napansin ko na mabilis ang dating niya at nakasampa na sa mga pinagbungkalan. Akala ko nga masasabit niya ako, pero bigla siyang kumabig at sa kasamaang palad ay inabot yung side mirror ko. Hinintay ko siyang prumeno at bumaba ng auto para humingi ng dispensa, pero nagtuluy tuloy lang siya. Hindi ko na pinansin kasi maliit lang naman yung tama ng side mirror ko, tinandaan ko nalang yung plate number para mapost ko dito. Hehe.
~30 meters away from the stoplight, inabot ako ng red at nagkatabi kami. Nakaparada siya sa tabi ng simbahan. Since katabi ko naman na, naisip kong sabihin sa kanyang tinamaan niya yung side mirror ko just in case hindi niya napansin. Ibinaba ko yung bintana at kinawayan ko siya.
Siya: "Bakit?"
Ako: "Tinamaan niyo ho yung side mirror ko." (mas matanda kasi siya)
Siya: "Saan mo gustong dalhin? Irereport natin?"
Ako: Hindi maganda yung pagkakasabi niya, presko.
"Hindi niyo na ho dapat ipinilit yung Pajero niyo, kita naman natin na
masyado ng masikip yung kalsada kasi may ginagawa."
Siya: "Pareho lang naman tayong may damage eh."
Ako: Ok, ang presko talaga.
"Kayo ho ang nakabangga, hindi issue kung pareho tayong may
damage."
Siya: "Kaya nga humingi ako ng dispensa."
Ako: Hindi naman siya humingi ng dispensa.
"Hindi naman ho kayo prumeno nung tinamaan niyo yung side mirror
ko para humingi ng dispensa."
Siya: "Kaya nga aksidente, wala tayong magagawa."
Ako: Ang labo ng mga sagot niya kaya aalis nalang ako.
"Pupunta pa naman ho kayo ng simbahan at may bata sa tabi niyo
pero ganyan ang ugali niyo."
Ayun, namutla siya pagkatapos ng last statement ko, napahiya ata sa sarili. Anyways, wala sanang Tsikoteer na tumulad sa kanya. Hindi na huminto at humingi ng dispensa, hypocrite pa.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines