New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 49
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #1
    Tumira na naman ang MMDA kahapon ng kanilang magaling na logic and reasoning, he he.

    For those of you who are familiar with the EDSA-Quezon Ave flyover, under the structure there is a unloading bay inside where vehicles can unload passengers.

    Last night, a friend of mine offered me a ride as he was going to Trinoma. He offered to drop me at that unloading bay so I can take an FX cab home. Okay, off we went, he moved inside that unloading bay and dropped me off.

    I barely alighted form the front passenger seat, when this MMDA chap with a surname of Lanio/Lampio (I forgot) came rushing with a ticket in his hand and asking my friend for his license. The following text are excerpts from their "discussion"

    Buddy: "Good evening sir. Ano violation ko?"
    MMDA chap: "Ser, bawal pong magbaba dito ang private vehicles. PUV lang po."
    Buddy: "Eh sir, halos araw-araw po akong may binababa dito na officemate eh hindi naman ako flag-down nung mga kasama nyong MMDA."
    MMDA chap: "Ser, hindii po nila alam ang kanilang ginagawa." (ampucha, nilaglag ang kabaro!). "Tsaka ser, may sign po dun sa entrance na nakalagay na bawal. Gusto nyo, tingnan natin."
    Buddy: "Sige."

    So off we went and lo and behold, walang sign. So balik kami sa sasakyan

    Buddy: "Sir, wala naman nakalagay na bawal eh. So wala akong violation."\
    MMDA Chap: "Ser, meron pa din. Swerving." (after stating this, two PUVs also entered the bay to unload).
    Buddy: "Sir, bakit yun di nyo hinuli eh swerving din yun?"
    MMDA Chap: "Ser, PUV naman yun. Private kayo. Sila pwedeng pumasok dito at magbaba."
    Buddy: "Ah okay...so, ano pagkakaiba kung private or PUV eh pareho kaming swerving, kung yun ang gusto mong ikaso sa akin?"
    MMDA Chap: (nag-isip pa kunwari). "Ser, PUV yun. Loading bay lang po to para PUV. May sign dun." (he he, sign na naman daw.)

    Bumalik na naman kami. Eh walang sign. ....When we returned to the vehicle, a white Civic made a U-turn under the flyover (the vehicle came from Quezon Ave.) and dropped off a passenger behind my buddy's car.

    Buddy: "O bakit yun di mo hinuli?"
    MMDA Chap: "Ser, kasi po dun sya galing sa Quezon Ave so hindi sya swerving."
    Buddy: "Ah okay. Eh pero sir, sabi mo kanina bawal private magbababa dito. Eh bakit sya hindi mo hinuli?"
    MMDA Chap: (isip ulit...) "Ser, kasi po sya hindi swerving eh kayo swerving"
    Buddy: "Teka sir, ano ba definition nyo na swerving?"
    MMDA Chap: "Yung lilipat kayo bigla sa lane na katabi nyo."
    Buddy: (pointing to an SUV that changed lanes) "Eh yun, swerving ba yun?"
    MMDA Chap: "Hindi po."
    Buddy: "Bakit?"
    MMDA Chap: "Eh kasi hindi bigla pag lipat nya." (ang galing ng katwiran ano?)

    Okay, balik ulit silang dalawa sa umpisa.

    Buddy: "Eh sir, kanina pa tayo dito. Bakit nyo ba ako talaga hinuli. Ano violation?"
    MMDA Chap: "Ser, yung kasing pinasukan nyong lane eh para lang po sa mga pupunta sa Monumento/SM/Trinoma lang. Dapat, dun kayo nagbaba sa kabilang lane."
    Buddy: "Eh dun may sign na no loading unloading di ba?"
    MMDA Chap: "Hindi po ser, pwede po dun." (ang galing ano po, mga tsikoteers?)
    Buddy: "So ibig mong sabihin, basta papuntang Monumento or SM eh dito dadaan?"
    MMDA Chap: '"Opo. Kasi yung sa outer lane po eh pang Fairview lang."
    Buddy: "Alam mo ba kung saan ako pupunta?"
    MMDA Chap: "Hindi. Saan po ba?"
    Buddy: "Sa Trinoma. So pwede ako rito?"
    MMDA Chap: "Pwede po."
    Buddy: "So ano problema mo?" (medyo mainit na ulo, he he)
    MMDA Chap: "Eh swerving po kayo eh." HA HA HA HA! amfotah.

    At this point, bigla na lang inabot ng MMDA chap yung license ng buddy ko at sinabi umalis na daw kami. Eh makulit buddy ko...

    Buddy: "Ser, ayun o! May mga dumidirteso." (pointing to outer lane). "Bakit di mo hulihin?"
    MMDA Chap: "Baka po papuntang Farview yun. Sa SM dadaan." (ang galing talaga).

    Saludo ako sa iyo, Mr. MMDA Chap! Isa kang henyo!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,396
    #2
    what do we expect from these enforces, eh kung yun amo nila eh tingin sa sarili God's gift to mankind....

  3. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,273
    #3
    stupidong MMDA enforcer

    :rofl01::rofl::rofl::rofl:

    Nakaka-aliw basahin yung transcription.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #4
    Laugh trip hehe.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #5
    ikaw naman nico, pinahirapan mo pa yung MMDA guy


    baka nastroke pa yan sige ka :rofl:

  6. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #6
    Dapat binigyan mo rin sana kahit pambili ng tubig, Aba!!! siguradong natuyoan ang bunganga non.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #7
    this is also what happened to me at EDSA-Pasay Road. may binaba lang ako na kasama ko sa office dun sa unloading area, sinita din ako. since walang sign, i've tried reasoning, ayaw pa din. hanggang sa dinaan ko na lang sa sindak. nagpanggap akong abogado (hehehehe - i was wearing a long sleeved barong that time), hanggang di na rin nagpumulit yung enforcer.

    hirap dyan sa edsa talaga, iba-iba ang regulations depende sa interpretation ng enforcer, walang manual of operations and regulations kasi eh. tapos ang gulo-gulo ng traffic signs.

  8. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,273
    #8
    Sana Sir nicolodeon pina spell nyo na rin dun sa enforcer yung SWERVING, para mas naaliw kayo

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #9
    Nagtataka ako kung paano sila naging traffic enforcer.

  10. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    1,906
    #10
    Mabuti na lang dinaan ng buddy mo sa kakulitan.

    Cooler heads prevail

Page 1 of 5 12345 LastLast
Road Usage Rules - MMDA Style!