New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 12 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 113
  1. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    163
    #1
    pumila ako sa cashier para magbayad ng mga pinamili ko. yung lalakeng nasa harapan ko, walang cart, basket or any grocery items na dala pero nakapila sya kaya nagtaka naman ako baket sya nandun. so tinanong ko siya:

    me: boss, nakapila po ba kayo?
    guy: oo baket?
    me: e nasaan po yung mga pinamili nyo?
    guy: paparating na

    WTF? :puyat: pati pala pila sa cashier e nirereserve na ngayon? sa inis ko e lumipat na lang ako ng pila at baka kung ano pa masamang masabi ko dun sa lalake. eto ang matindi. umabot sya sa cashier na nde pa dumadating yung mga grocery items nya

    sorry for the rant...

  2. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #2
    Natawa naman ako sa experience mo bro.pero naexperience konadin yan.sa dfa naman.same case except that yong kasunod ko na nangpipila e pag turn na nya at ala pa yong pinangpipila nya e papaunahin na nya yong kasunod nya.parang rampant yan sa nso or nbi yata he he he

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,211
    #3
    Quote Originally Posted by weremanok View Post
    pumila ako sa cashier para magbayad ng mga pinamili ko. yung lalakeng nasa harapan ko, walang cart, basket or any grocery items na dala pero nakapila sya kaya nagtaka naman ako baket sya nandun. so tinanong ko siya:

    me: boss, nakapila po ba kayo?
    guy: oo baket?
    me: e nasaan po yung mga pinamili nyo?
    guy: paparating na

    WTF? :puyat: pati pala pila sa cashier e nirereserve na ngayon? sa inis ko e lumipat na lang ako ng pila at baka kung ano pa masamang masabi ko dun sa lalake. eto ang matindi. umabot sya sa cashier na nde pa dumadating yung mga grocery items nya

    sorry for the rant...
    praktikal lang yung tao. wala naman akong nakikitang masama. kahit ako gagawin ko to, to save time and para na rin hindi siksikan sa mismong pila.
    wag naman lagi init ng ulo pinapairal. intindihin rin sana natin reason ng ibang tao.

  4. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #4
    pati nga sa gym meron mga ganyan eh, nilalagay nila tuwalya sa isang machine tapos yun isang machine naman pala uunahin

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #5
    Quote Originally Posted by pepengtom View Post
    praktikal lang yung tao. wala naman akong nakikitang masama. kahit ako gagawin ko to, to save time and para na rin hindi siksikan sa mismong pila.
    wag naman lagi init ng ulo pinapairal. intindihin rin sana natin reason ng ibang tao.
    Pa'no naman Sir, yung nakarating na siya sa cashier na wala pa yung cart at goods na binili nila, ano masasabi mo naman doon? Bayaan mo pa rin ba siyang tumayo roon at hintayin yung cart nila, habang ang lahat ay naiinip at mahaba ang pila?
    Last edited by chua_riwap; June 14th, 2007 at 01:24 AM.

  6. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    565
    #6
    dapat ang ginawa nya noong umabot sya sa cashier ng wala pa yung grocery cart/basket e dapat pumila sya sa likod kasi tapos na yung turn nya...

  7. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #7
    wala ako nakita masama dun. listo lang sya. kung turn nya na at wala pa pinamili e pwede naman sya magpasingit. nangyayari talaga ito.

  8. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #8
    Sa U.S embassy ang daming raket na ganyan. Pumipila sila para ibinta doon sa mga taong may appoinment sa loob. Sa haba kasi ng pila at para hindi ma late sa appoinment mo babayaran mo yong tao na malapit na sa gate.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,211
    #9
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Pa'no naman Sir, yung nakarating na siya sa cashier na wala pa yung cart at goods na binili nila, ano masasabi mo naman doon? Bayaan mo pa rin ba siyang tumayo roon at hintayin yung cart nila, habang ang lahat ay naiinip at mahaba ang pila?
    madali nama sigurong paunahin yung nasa likuran niya diba?
    saka bakit napakaliit na bagay kailangan pang palakihin? pila lang naman yan sa grocery.
    kaya nga ako sa convenient store na lang ako bumibili, kaunti lang naman ang binibili ko. kesa dito sa cherry foodarama, duon makakamura ka pero mahaba talaga ang pila.

    mahirap bang magbigay ng maliit o kaunting konsiderasyon sa ibang tao?
    kung hindi naman nayurakan ang pagiging lalake mo, e bayaan mo na.

  10. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #10
    Quote Originally Posted by b1rken5tock View Post
    dapat ang ginawa nya noong umabot sya sa cashier ng wala pa yung grocery cart/basket e dapat pumila sya sa likod kasi tapos na yung turn nya...
    Wahehehe... Tama, parang Round Robin...

Page 1 of 12 1234511 ... LastLast
pila sa cashier