Last week galing ako Mantrade going back to Pasig, may kups na naka Mazda 3 hatch na black. Dun sa C5 going back to Pasig, before you reach the Valle/Casa Verde intersection, diba may merging blocks dun sa may Petron, I was on the 2nd to the left lane (yung pinakaleft may merging dahil may cement barriers mga 200mtrs away), full lane ako, meaning sakop ko gitna ng dalawang dotted white lines.

Light traffic, as usual pag malapit na sa mga U-turn bottlenecks.

This Mazda got "ipit" between my lane and the lane next to it, at that time, he was half car ahead of me. 95% of his car is on the right lane, yet he tried to enter my lane without signaling.

I beeped him with 2 short horn bursts, it was no biggie naman for me parang saying lang na "hey watch out". Mas logical kasi mag merge right sya since most of his car is on that lane.

Naturally di sya nakasingit eh andun na ako buong car, I didn't accelerate or anything to block him, di lang sya talaga makakapasok in front of me. Parang full lane change ang gagawin to do so kasi.

Aba, when nalagpasan ko na sya, tumabi sakin sa right side, nagbaba ng bintana and minura ako...

The funny thing is, he's trying to move to the left lane, pero derecho naman sya sa Libis area. When we reached the next Uturn slot near Toyota, nakatabi ko, sama padin ng tingin, binaba ko bintana ko, di ako nagsalita, tinignan ko ng masama...

Langhiya tinaas yung bintana nyang nakatint na super black at humataw, muntik pa sya sumagi sa delivery van pagswerve nya sa next lane...

Ganun na ba ako ka panget at natakot sa muka ko?

Hehe, labo ng mga highblood tapos sya pa yung mali...

:bike: