Results 1 to 10 of 62
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2006
- Posts
- 10
September 27th, 2006 01:04 AM #1Is it true na for diesel engines, kailangan magpa-smoke emission test every 2 months? This is according to Victor Lopez of MAPSA. IS THIS TRUE???
Kasi yung officemate ko, nahuli and was given this excuse last Monday afternoon.
-
-
September 27th, 2006 02:02 AM #3
Every 2 months? Ok ah. Magkano ba yung test? Hehe, sabihin mo hindi ka umiiri ng pera, o kaya sagutin nila kamo.
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2006
- Posts
- 10
September 27th, 2006 02:58 AM #5sad to say, we had to pay 1k because they told us that the vehicle involved failed the emission test (gee, I wonder why....).
Ingat na lang kayo at areas in south E.way - Gil puyat intersection.
-
September 27th, 2006 03:23 AM #6
Nakow, nadale rin ako sa lugar na yan. Pero naka-berde yung pumara sa akin. MAPSA di ba dilaw ang uniform nila? Plagay ko hindi lang sila sa diesel mainit, kahit sa gas fed engines ganun din.
That was June. Dala ko yung Honda Civic namin, nang biglang parahin ako ng mga buwitre. Di ako bumaba.....sila ang lumapit. Sabi nila, mausok daw sasakyan ko. (Pero hindi naman...) Hinihingi nila yung result ng emmission test ko. Eh, January yung rehistro/emmission test ko, pero pasado. Nung pinakita ko, sabi ba naman, dapat daw kada 3 months, magpa-emission test ako. Nakipagtalo ako.
Nang biglang may dumaan na PUJ, ang itim ng usok! Sabi ko, "O, bakit yun, di mo pinara, mas maitim ang usok nun kesa sa kotse ko!" Napahiya ata, pinatuloy na lang ako, sabay sabi "Sige, palulusutin kita ngayon.....ipa-emission test mo ulit yan!"
He-he! "Nek-nek mo!" sabay alis.Last edited by chua_riwap; September 27th, 2006 at 03:26 AM.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2006
- Posts
- 10
September 27th, 2006 03:28 AM #7$#*%%^ di ko alam na pati gasolina, pagtritripan din nila...
We tried to ask them kung san galing yung kailangan every 2 months yung emission test, wala sila ma-produce na documentation.
Kanino ba namin puwede sabihin to?
-
September 27th, 2006 08:40 AM #8
Sa Makati Republic of Binay oo. Yung dalawang office vehicle namin dun sa Makati (Prado - gas at 2nd gen Pajero - diesel) eh pinapa-emission test lagi every two months. Pero, yung sa Manila office namin na vehicles hinde naman.
Nahuli na yung company driver namin minsan (dala yung Prado) dyan sa G. Puyat mga 4-5 months ago. Hinahanapan ng emission test na bago even if two months and two weeks or so pa lang yung latest emission test dahil sa rehistro. Thing is, wala pang three years old yung Prado na yun.
Sabi nung company driver namin eh saksaaaakan daw ng kulit nung mga MAPSA. Nahimasmasan lang ata nung nakitang blue-plate yung Prado. Pinaalis din sya.
Para wala ng aberya ayun - every two months eh emission test yung dalawang sasakyan. Gastos.
-
September 27th, 2006 08:49 AM #9
pambihira naman...panibagong gimik 'to ah. thanks for the heads-up mga bros and sis
-
September 27th, 2006 08:51 AM #10
Hmmm... hindi pa naman kami nahuhuli yung ermats ko sa ganitong violation (her office is in Pacific Star). Whole Makati ba? Yung mga nahuli, saang area kayo nadale?