Results 1 to 10 of 20
-
February 6th, 2009 01:59 PM #1
Twice na tow yung trucks namin sa area na yan in less than 3 months. Biglang namamatayan ng engine pagdating sa may Buendia flyover. Nung first time, that was around december, tumawag yung driver na bigla daw namatay yung makina and ayaw ng magstart, tapos may tow truck na daw. So wala na rin magagawa kundi ipa-tow. Ang naging problem was a leaking fuel line.
Then just last week, ganun ulit ang naging problem. Bigla nalang namatay ang engine sa may Buendia flyover and agad din may dumating na tow truck. Ang sabi nung driver, hindi daw makaakyat yung diesel sa fuel strainer kahit na i-pump nya. Nung pinapunta ko mekaniko, may hiwa yung fuel line.
Tapos naalala nung driver na meron daw taong lumusot sa ilalim ng truck while naka-stop sila. And immediately, naisip ko na MO ito ng towing company sa area na yun. Para kasing napaka coincidental na parehong fuel line leak and same area nasiraan, and same towing company.
Warning nalang sa mga may mga delivery trucks na dumadaan sa area na yan na sabihan mga drivers na maging alisto sila while stuck in traffic or waiting for the traffic light to turn green.
Ang mahal pa ng binayad ko sa towing, almost 5K each!
-
February 6th, 2009 02:49 PM #2
garapalan na yun ah.
Dapat may defense against these types of people. Like a high velocity bb gun.
and have some protection for the fuel lines (like steel pipes).
-
February 6th, 2009 04:21 PM #3
hmm... me napanood ako dati sa tv. ganyang ganyan ang MO nila. nakapansin yung driver kasi same site and same truck in two weeks ata at same problem kaya naisipang ipa media. hehe ayun huling huli sa surveillance yung mga ungas tinusok ng ice pick yung fuel line tapos pag alis nung truck sinundan, alam na alam ang mangyayari.
-
February 6th, 2009 04:46 PM #4
hmmm think this is a job for BITAG... dapat isumbong na agad para mabawi yung pera
-
February 6th, 2009 05:16 PM #5
Yes, na-feature na ito sa TV not sure kung sa IMB or XXX. Nahuli na ang mga kolokoy na yan ah. Ang MO ng mga yan, aalis yung tow truck sa mismong grounds nila bitbit ang may anim hanggang sampung pahinente papunta sa hot spots, meaning sa mga lugar na medyo madalang ang tao at may traf lights. Ibababa ng towtruck yung dalawang engot sa may intersection/traf lights, habang yung towtruck tutuloy sa di kalayuan at dun aabangan yung titirik na biktima. Itong dalawang bumaba, iistambay sa traf lights, yung isa lookout, while yung isa ang hunchman. Pag tigil ng isang bibiktimahing truck sa traf lights, lalapit yung hunchman sa nakahimpil na truck, sabay deadma na parang may pupulutin. Ang di alam ng pobreng truck driver, hinihila na pala yung fuel hose line nya hanggang sa itoy humiwalay sa tank. Syempre tatakbo pa ito ng ilang metro, hanggang tumirik. Pag tirik, sasambutin naman nung tow truck na nag-aabang sa di kalayuan. Dun na ang simula ng negosyo.
Last edited by leinahtan; February 6th, 2009 at 05:26 PM.
-
February 6th, 2009 05:28 PM #6
napanood ko din to sa imbestigador, sa pasay dati tumitira yung mga yun, ngayon lumipat na pala dyan sa makati.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Feb 2008
- Posts
- 325
February 6th, 2009 07:58 PM #7tsk.tsk.tsk. dapat diyan ay mahuli niyo sa akto para maibalik sa inyo yung binayad niyo sa pag-tow nila.
-
February 7th, 2009 01:46 PM #8
So lumipat lang pala ng location ang mga walanghiya. Naimbestigador na mga yan. Kontakin na lang ulit Imbestigador para sa follow-up.
-
-
February 7th, 2009 06:27 PM #10
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines