gising LTO Dagupan, ganito na kayo dati, ganito pa rin kayo ngayon.

I renewed my drivers licensed (for the 5th time) and cars 2009 registration last week, here's what happened.

step:

1. Smoke emmission, paid 400

2. the usual drug testing (kuno!), paid 300

3. medical exam (kuno!), paid 100.

Dahil sa dami ng tao, apurahan na mga staff, ni hindi ka nga talaga chi-neckup. kinuha lang height at timbang mo with blood pressure check up lang. halatang pera-pera lang. Took me 1hour and 30mins. for drug testing at medical.



4. Fill-up renewal form.

Yung guy sa front desk dapat hindi sya ang naka-toka dun kasi he's not approachable, padabog magpunit ng form at hindi man lang tumitingin sa mga taong inaabutan nya ng renewal form (dahil ba hindi nya kilala? kahit na i was dress in a nice manner.)

Alam nya naman na araw-araw andami renew or kumukuha license so dapat mapag-pasensya sya at maasikaso dahil talagang magtatanong ka kung paano procedure.

Pero after 1 hour of my waiting, dumating mga barkada nya, me kasamang ibang tao mag renew din, aba'y sobrang asikaso nya, lalo na't inabutan ng 50.



5. Picture taking.

mukhang walang alam tong nagpi-picture, the camera is too low sa eye level, nasa tiyan ko ang level nya, so ang lumabas tuloy butas ng ilong ko dahil naka tingin ako pababa.

then after that biglang sumenyas ng 20.00 para sa LTO plastic jacket, sabi ko meron nako nung dati, hindi nagsalita, umiling lang at tinuro ulit yung plastic jacket. ngayon para hindi nako matagalan at dami nakapila, binayaran ko na. aba! akalain mo naman, sa bulsa nya binunot yung pang sukli, personal modus pala nya yun.


6. Payment at Cashier

I paid a total of 668.00 kasama na dun penalty since late renew at change address. Inabot ko 690.00, akalain mo ba namang di ako inabutan ng sukli, i ask for it pero deadma lang yung babae at tinawag na yung next na tao. napaka-bastos at gago ng mga tao dito talaga. Ok lang sana kung sabihin nyang wala pangsukli at pwede bigay ko na lang tip sa kanya kaso sa ugali nya talagang bastos, ka-babaeng tao pa naman nya. Umalis na lang ako dahil sa dami ulit ng pila.


7. Claiming the new I.D.

nagbayad pako para sa change address, mali din naman pala nailagay, ay mga tanga! it was already clearly stated dun sa form and i was ask and verified pa nga dun sa front desk regarding change address.

all in all, inabot ako 3 hours for drivers licensed renewal, plus konting pagka-dismaya dahil sa harapang pagpapakita ng curruption ng mga empleyado ng LTO dagupan. samantalang me sticker sila dun na "NO TO FIXERS" pero sila din gumagawa.

8. Pinalakad ko na yung sa Cars Registration (sa mga fixer dun) dahil wala na akong oras kung antayin ko pa lunch break nila and na bad trip na ko that time. and as usual, kelangan ulit ng padulas "daw" sa loob para mabilis.


conclusion: LTO service (and some Government agencies) here in the Philippines really needs major personality upgrade, kelangan ng self renewal kasi manhid na sila sa mga batikos natin.

Lakihan na rin sana sweldo nila para di na nila maisip gumawa ng mga extra curricular activities.

no choice naman tayo kasi kelangan din natin talaga mag-renew, kung magtatatalak ka naman dun, sabihin lang nila "who cares, kelangan nyo pa rin kami, so sumunod kayo sa gusto namin".

haayyy buhay....