New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 25

Threaded View

  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,250
    #1
    Mga Peeps,
    Papunta kami ng Clark ng Nob 30 galing Baguio, sa parte ng San Manuel, Tarlac merong batang biglang tumakbo sa pagtawid... biglang iwas nung driver ko pero nahagip pa rin siya ng side mirror at dahil sa pag-iwas pati yung tricycle na nakaparada sa tabi ay nadamay.
    1.) Itinakbo namin yung bata sa Ospital ng Villasis, Pangasinan for full and thorough check up for 2-days (CT scan included). Thank God she's OK. Tanong ni esmi sa bata nung conscious na at pwedeng ng lumakad bakit tumakbo siya, "sagot ay... akala ko auntie malayo pa kayo". Case settled with the parents.
    2.) Yung tricycle sa tabi... ang driver nagpapahinga sa loob. Sa prisinto na nakausap ni esmi, tapos ayaw magpa-check up o magpa-confine...
    >>> bigyan na lang daw ng pampadoktor. Bigay si esmi ng 5K at pumirma siya ng kasulatan (saksi ang police chief sa agreement) na hindi na raw kailangan magpa confine o check up na kasama si esmi at lahat ng resibo ay ibigay niya pagkatapos niyang magpa check up ng sarili. Lahat ng findings ay normal, mga 2k+ lang nagastos niya di na kinuha ni esmi yung sukli.
    >>> yung tricycle niya ay kailangan ipagawa... pina estimate yung damage mga 10k daw, pero ginawa ni esmi ay tinawag ang kuya ko (may alam ng konti sa motor) siya na lang nag-ayos at pinalitan lahat ang sira pero yung kailangan na ayusin sa side car ay sa welding shop na.

    Heto ngayon ang problema... nung bumalik na sina esmi para iuwi yung sasakyan namin, ayaw payagan ipa-release nung tricycle driver. humihingi ng 50k kundi daw magbibigay ay magdedemanda. Ang Police Chief na ang kumausap sa driver pero ayaw pa rin... tapos sabi nung Hepe, pabayaan mo na siyang magdemanda. Bago naka-alis sina esmi ay meron inabot ng driver na 8 pages na sulat galing sa kanya at yung hinihingi daw na 50k ay tulong na raw namin dahil daw meron siyang sakit sa bato??? Insurance na ang kausap nitong diver sa ngayon. Pero panay pa rin ang text ni mamang driver kay esmi at medyo naiirita na. Ano ba ang pinaka magandang gawin para tumigil na itong "luko-lukong" driver.

    Pasensya na kung medyo mahaba at magulo ang aking paglalahad. BTW, am going back to Malaysia at that time kaya nag commute na lang ako at di ko nasamahan si kumander sa pag-ayos ng problema.

    TIA
    Last edited by Gumusut_Amige; December 18th, 2006 at 10:25 AM.

Help... Need Your Advise