****!

Nangyari sa akin ito kagabi... paakyat ng EDSA / Quezon Ave flyover... may mga sinusundan akong mga kotse... tapos bigla na lang gumewang gewang sila...

Medyo nagtaka ako, tapos bigla ko na lang nakita na may malaking gulong... so no choice, kundi ginulungan ko na lang at around 60kph. Baka kasi kapag sa ilalim ko pinadaan sumabit lang...

Edi ayun, lumagapak yung auto.... Nung pag inspect ko, sabog yung gulong... nag crack yung sidewall (Bridgestone Dueler)... Yung isang lancer, sa bumper niya kumadkad yung gulong kasi nga mababa... Mukhang nahulog sa isang Tamaraw, hindi ko na nakuha yung plates nga...

Buset nga mga yun, hindi man lamang ako tinulungan!

So, no choice na ako kundi i drive paalis ng flyover yung kotse... tutal wakwak na naman yung mga gulong... Tapos may hagad na dumating, medyo inalalayan kami hanggang maka baba ng flyover. Sabi niya may nag radyo daw sa kanya kaya pumunta siya.

So, nung nasa tabi na kami, tinanong lang niya kung may spare kami. Meron naman, kaya hindi na niya pina wrecker. Ayun, sabi niya nung una, mag stay na lang daw siya para bantayan kami. Nung nag lalabas na ako ng gamit, tumulong na siya. Siya ang nag tanggal nung gulong and nagkabit na rin.

Mukhang oks naman nga ung hagad, kaya inabutan na lang ng mom ko kasi pawis rin siya sa pag tanggal.

Medyo na off center yung steering wheel and kumakabig sa kaliwa... pero driveable pa naman, hanggang 100kph nga tinakbo ko pa...