Results 1 to 10 of 17
-
May 27th, 2015 02:02 PM #1
Good day Tsikoteers,
Na-involve yung driver namin 2 weeks ago in a vehicular accident along C-5 wherein yung minamaneho niyang sasakyan eh sinubukang talunan ng tumatawid na lasing na pedestrian (with confirmation from both medical staff at yung pedestrian na mismo - yung part na lasing AT yung part na gusto niya nga raw sanang talunan yung sasakyan). Ang sabi sa amin ng driver eh iniwasan naman niya sa lahat ng magagawa niya, pero sa ilang lihis daw niya ng sasakyan eh doon din daw nagpunta itong pedestrian. Long-story short, tumama sa gilid ng sasakyan yung tao, dinala sa hospital ng ambulansya, at ginamot.
Nagkasundo naman at nagkapirmahan ng waiver specifying na through amicable settlement nauwi. After ma-clear for discharge yung pedestrian at masagot yung lahat ng gastos sa ospital, gamot at home medicines, pati yung hininging amount nung pedestrian, pumunta na yung tao namin sa police station sa may Caltex FTI malapit sa TUP para tubusin yung lisensya niya. Pagkakita raw ng pulis sa waiver, ok naman daw na, sabay kumabig at sinabi na may violation daw siya. Pinaturo sa bata niya yung violation at yun nga ang nakalagay: "Violation of Procedures Involving Traffic Accidents" at ang fine is P 2,000. Nung tinanong niya kung anong "procedure" ang na-violate niya sa accident, ito raw ang eksaktong sagot: "Eh di nakabangga po kayo ng tao." Note na hindi tinakbuhan ng driver yung pedestrian, at buong araw nga hanggang ma-discharge sinamahan talaga niya.
Hindi dapat sasagutin ng kumpanya yung P 2,000 na 'to, pero after verifying and double-checking na talagang siningil nga siya ng P 2,000 sa police station, ni-reimburse naman. Ang tanong nga lang namin though, given yung sagot ng taga-station sa kung anong "procedure" ang na-violate, valid nga bang violation 'to, o isa na naman sa napakaraming racket na lumalaganap ngayon?
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Jan 2015
- Posts
- 4,580
-
-
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,754
May 27th, 2015 04:31 PM #5sarap sapakin ng sagot ng pulis ahhh kung may OR ok lang mag bayad pero kung wala.. makikipag talo ako dyan
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
sarap sapakin ng sagot ng pulis ahhh kung may OR ok lang mag bayad pero kung wala.. makikipag talo ako dyan
-
May 27th, 2015 04:42 PM #6
Alam ko may mga lugar talaga na may ordinansa na kapag may nabangga kang tao or sasakyan may ticket ka dahil sa abala na naidulot mo sa trapik at sa mga pulis or baranggay.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Alam ko may mga lugar talaga na may ordinansa na kapag may nabangga kang tao or sasakyan may ticket ka dahil sa abala na naidulot mo sa trapik at sa mga pulis or baranggay.
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Jan 2015
- Posts
- 4,580
May 27th, 2015 05:43 PM #7^ that's true. but you pay to the treasurer's office not to the police. even in firearms licenses, you don't pay to the police directly but to the Land Bank.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2012
- Posts
- 200
May 27th, 2015 07:18 PM #8sarap siguro ng mineryenda ng pulis after magbayad ng tao niyo.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
sarap siguro ng mineryenda ng pulis after magbayad ng tao niyo.
-
-
May 27th, 2015 09:16 PM #10
Yung receipt actually ang reason kaya ayaw initially ng kumpanya na i-reimburse yung amount dahil walang OR.
Noong natanong na kasi nung driver kung anong violation ng traffic procedure ang na-commit niya, lagi na siyang sinasabihan na option lang naman daw iyon, at pwede pa rin naman daw na sa justice hall na lang niya kunin ang lisensya pero magkakaroon nga raw siya ng kaso kahit na may amicable settlement na at magtatagal. Pagkabayad niya, sinubukan niya humingi ng resibo, pero certificate lang daw ang pwede nilang gawin. Tapos noong hinihingi naman yung certificate raw na ginawa, hindi raw pwede kunin dahil for filing daw yung certificate na iyon. Kahit noong pumunta yung taga-Admin ng kumpanya namin, pinakita lang din yung certificate eh saka yung listahan nga ng mga violations nila doon plus yung corresponding fine.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines