New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 32

Hybrid View

  1. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    553
    #1
    I'm sorry, I appreciate the situation, but counterflowing endangers other motorists.

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,770
    #2
    naintindihan ko frustration mo. unfortunately dami na kasing gumagamit ng hazard and flashing lights kahit walang emergency. so other motorists don't give way anymore. hindi mo na kasi madistinguish ang totoong emergency or gusto lang makalamang. minsan nga ambulance mismo di na ginagalang kasi ginagamit sa kung anu ano na lang.

    better siguro, if you still have the time, put a big emergency sign sa harap. kahit bond paper lang just to let other people know na emergency talaga. also, instead of panicking ang yelling at people to give way, be courteous and politely signal an may emergency talaga. i know mahirap to kasi nga panic mode na. pero the more na pilitin mo, the more na di ka pagbibigyan or worse you might get into an accident. lalong dadami ang casualty or di kayo aabot sa hospital in time.

    kung may makita ka namang motorized mmda or police, try asking them na bigyan ka ng escort papuntang hospital. i've tried this and meron pa namang matitinong pulis na tutulong sayo.

    anyway, i hope ok ang lolo mo and di ka na mapa-emergency uli.

  3. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    138
    #3
    Sana sinabayan mo ng maraming busina. Sa dami kasi ng mahilig magcounterflow ngayon na kadalasan eh naka-hazzard pa, di talaga iisiping emergency yan unless tadtadrin mo sila ng busina. Ganyan na ngayon kung aasa ka lang sa hazard lights di ka papansinin. Sad to say pero ganyan na ang pag-iisip ng mga pinoy drivers. kailangan ipamukha mo talagang emergency yan otherwise di ka pagbibigyan, at yan ay dahil sa mga siraulong mahilig magcounterflow na akala mo eh mamamatay sila pag na-late sa work.

  4. Join Date
    May 2009
    Posts
    564
    #4
    I agree with the sentiments of everyone.

    I would also like to add, nakakatakot nga kasi siguro umuungol ang grandfather mo because he's in severe pain dahil punung-puno na ang pantog nya at di nya malabas. Unless he has a heart condition, you really don't need to panic. Even if you reach the ER 30 minutes later than you did this morning, you'd be in the same situation: he's still in pain. It's really not like he's in a life or death situation where every second counts. But I totally understand the situation you were in this morning.

    I would venture to guess that your grandfather has a prostate problem right? Either a prostatic hypertrophy or (heaven forbid) prostate CA. What the emergency doctor did was to insert a foley catheter to slowly decompress your grandfather's bladder but just a little at a time. Bawas ng konting ihi ngayon tapos a few more after a few hours... pag masyadong mabilis din ang pagtanggal ng ihi he could develop a hemorrhagic cystitis, where his bladder would bleed dahil masyadong mabilis na-deflate.

    Oh, and I would also like to suggest you get one of those Lifeline Arrows service or something. My parents have those. In an emergency, we would just call their hotline and an emergency crew would be there in a few minutes; and we can even request them to transport the patient/s to any hospital we'd prefer. They could do the foley catheter insertion in cases like yours then transfer the patient to the hospital after. At least your grandfather wouldn't have had to suffer while en route.

  5. Join Date
    May 2009
    Posts
    564
    #5
    Quote Originally Posted by Nell View Post
    Sana sinabayan mo ng maraming busina. Sa dami kasi ng mahilig magcounterflow ngayon na kadalasan eh naka-hazzard pa, di talaga iisiping emergency yan unless tadtadrin mo sila ng busina. Ganyan na ngayon kung aasa ka lang sa hazard lights di ka papansinin. Sad to say pero ganyan na ang pag-iisip ng mga pinoy drivers. kailangan ipamukha mo talagang emergency yan otherwise di ka pagbibigyan, at yan ay dahil sa mga siraulong mahilig magcounterflow na akala mo eh mamamatay sila pag na-late sa work.
    Dami ko na na-experience na ganyan sa SLEX. Nasa middle lane ka tapos may magfa-flash sa yo na naka-hazard so you'd think he's in an emergency tapos makikita mo pagdating sa may pasay at may mga nakatambay na pulis, papatayin na nya hazard nya. Sinilip ko pa minsan, isang male driver lang naman ang laman.

    They're using their hazard lights para hawiin ang mga nasa harap. Kaya nga wala nang masyadong pumapansin ng hazard ngayon.

    Actually, even ambulances have a difficult time navigating through traffic nowadays, ayaw na din magbigay ng ibang motorists.

  6. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    354
    #6
    ngayon ok na si lolo kaso namamaga pa ang kanyang prostate and may inflammation. may catheter siya ngayon na may bag. mag hahanda nalang ako nang BandPaper na may malalaking sulat na Emergency. at makapag upgrade ng malakas na busina. Di ko ito makakalimutan ang hirap talaga ng emergency.

    thankyou po sa lahat ng nag post

  7. Join Date
    May 2009
    Posts
    564
    #7
    Quote Originally Posted by aijie28 View Post
    at makapag upgrade ng malakas na busina.
    I wouldn't advise this. Drivers would tend to react unfavorably when you're using a very loud horn. Take it from my experience.

In Emergency!