Siguro talagang lapitin lang ako ng mga mokong at inutil na mc rider kaya paulit ulit na lang akong nabibiktima nito almost every month. Kanina, pagkagaling namin ng pamilya ko sa megamall (sti mega clinic)for my 1 year old son check up and at the same time vaccine shot niya for chicken fox, may clinic kasi din dun yung pedia niya from medical city. Alam ko na pay day ngayon kaya mga 8:30 na kami umalis sa mall para iwas trapik. Para mas mapabilis ng uwi instead mag rosario eh nag floodway na lang kami pero pag dating namin malapit sa may floodway bridge malapit sa pasig rainforest park bigla akong binangga ng isang rumaragasang motorsiklo na tingin ko nga ay lasing kasi pasuray suray magpatakbo papalayo sa amin. Gusto ko sanang bumaba kaso napag isip isip ko na nasa floodway kami at baka modus lang yung pagbangga sa amin para lumabas ako o isa sa amin at maholdap kami. sa bahay ko na lang tinignan yung damage at ito yung mga tinamaan: 2 inches na gasgas sa hubcab ng gulong ng carens, 35 inches na gasgas mula sa end ng tail lights papuntang passenger side door. Ni remedyohan ko muna by applying carwax first then swirlmarks remover pero di na alis naging light lang yung scrathes di ko pa masyado maaninag kasi gabi na tignan ko na lang muna bukas pag may araw na kung ano kinalabasan ng remedyo ko. Ang dami talagang ogag at irresponsableng mc rider kaya na i stereotype silang mga ungas sa daan eh. gagawa-gawa ng katarantaduhan tapos tatakasan!!! kainis talaga!!! kung may bill laban sa mga mc sa mga major roads, isa ako sa susuporta dun, pasensya na nakakainis kasi mga mc.