Results 31 to 40 of 40
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Jun 2005
- Posts
- 377
July 10th, 2007 10:16 PM #31True, everyone... Including the commuters. Dapat din may fine sa mga taong kung saan saan sumasakay at bumababa. Parang problema ng itlog at manok yan e, kung saan saan humihinto yung mga PUV kasi kung saan saan din pumapara yung mga tao. Kung hindi nila paparahan, may ibang makakakuha ng pasahero. Yung mga commuters naman since alam nila na hihinto yung PUV kahit saan, taking advantage naman. So para ayos pareho na lang may fine. Sarap ng buhay ng taga huli nyan, dami makokotongan.
Habang tumatagal, hindi lang nagiging less effective yung color coding scheme, nagiging cause pa ito ng paglala ng paninikip ng kalsada. E kasi mga tao para makaiwas sa coding bibili ng additional car kahit walang garahe. Tapos itatambak sa gilid ng kalsada. Dito lang sa amin nagsisikipan na yung mga kalsada sa dami ng mga naka tambak na sasakyan.
-
July 10th, 2007 10:26 PM #32
-
July 10th, 2007 11:13 PM #33
RUSH hours?????
What if, I shift na lang natin ang pasok ng mga tao.... bakit ba tayo 8:00-5:00 lagi....
1. I shift natin sa night duty lahat ng empleyado ng gobyerno.... Unang una sila ang madaming sasakayan at meron pang allowance para patakbuhin ang mga auto nila.... Di nyo ba pansin na pag walang pasok ang gobyerno eh maluwag traffic??
schedule ng bangko is parang shopping mall din, so ang pasok nila ay tanghali na halos,
just imagine, if you need to do transaction with the bank or with the government... di na kailangan mag half day sa work...
maximized pa natin ang use ng roads natin...
2. Kahit komontra si Claire dela fuente... dapat meron unified bus route.... mag dispatch lang ng units pag kailangan na.... Puro kasi kita ang gusto nila..
wala ng essence yung customer service..
In most developed countries that I've been to, yung city buses nila ay naka setup na mas madaming nakatayo kesa naka upo.... No need for a seat if you are going to travel faster diba...
then, kahit magkasabay dalawang bus, na same route... hindi makikipagunahan yan sa pasahero.
3. for the traffic enforcers, They should install a small camera that should record all apprehension that they will do... This is for the protection of both the officer and the public... since what is recorded should be reviewed every day. So wala na dapat na kotong dito....
4. For the private cars naman.... no need to limit the cars per household... but limit the number of cars your house can hold.... Ipagbawal totally ang pag rehistro ng kotse kung walang paparadahan ang mga kotse nila... Ginagawang parking lot ang mga kalye so during rush hours, hindi ma gamit ang mga side streets kasi madaming naka park...
Kung may political will lang mga hinayupak na taga gobyerno na yan... madaling isa batas ito....kaya lang.... sila mismo affected..
5. Mga Trisikol sa highway... being poor is not an excuse... its for their safety also... Kahit ng yung mga TODA-toda sa mga ibang kalye dapat tangalin na rin... sila lang nagpapasikip ng daan... Palitan sila ng jeep....
-sa ibang bansa wala namang ganyan.. lakad kami... or taxi kung ayaw mapagod...
Lalong nagiging tamad mga pilipino dahil sa kanila....Pinagkakakitaan ang katamaran ng mga pinoy.
6. Or make it similar to singapore... pag rush hour,,, may bayad ang paggamit ng major roads...... sa parang sinabing... kung ayaw mong magbayad. use the side streets.. bawat sasakyan ay may E-Pass..
pero hindi na talaga natin kailangan yang mga yan... basta bat resposable tayo sa mga ginagawa natin, at alam natin kung nakaka perwisyo na tayo...
Sana abutan pa natin ang panahon na maging ganun ang mga Pilipino...
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Jan 2007
- Posts
- 402
July 10th, 2007 11:41 PM #34Naalala ko tuloy ang lagi kong tanong sa mga puv drivers,sabi ko'pards kailan kayo mag-istrike sana mahaba-habang strike? sabi nya bakit? sagot ko,'para lumuwag naman ang kalye...sabi sa akin 'tado he he he
-
July 10th, 2007 11:47 PM #35
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2005
- Posts
- 177
July 10th, 2007 11:59 PM #36
Mahirap talaga tumira sa isang bansang maraming mahirap. Ang kawawa lagi e ang middle class na automatic ang kaltas ng tax habang ang mga mayayaman panay ang lagay sa BIR.. Ang tax natin napupunta lang sa bulsa ng politiko at pagpakain sa mga kababayan nating ayaw magtrabaho..
Agree ako dito.. taasan ang multa sa lahat ng traffic offense.. at pwede ba.. hulihin nyo naman ang mga PUV.. ang mga traffic enforcer kasi alam nilang walang pera ang driver kaya walang huli yan mga yan.. panay private lang ang pinupuntirya .. kaya nagiging lalong abusado ang mga driver..
-
July 12th, 2007 09:21 PM #37
-
July 13th, 2007 02:43 PM #38
Hi Raikkah at sorry kung sasabihin kong hindi ko gusto yung comment mo. It's like your implying na makasarili ako (or kami), which we are not. Sorry din kung mali pagka-intindi ko sa post mo pero hindi talaga maganda dating sa akin.
Kung nangyari man na literal "color-coding" ang gawin ng government to reduce traffic volume, then I will still happily oblige. Nagkataon lang na silver lahat ng auto namin now at marami kaming biyahe (to work, delivery, etc.) kaya hassle talaga sa amin pag isang buong araw lahat ng auto di puwede gamitin. Pilay operations ng negosyo. Imagine also if all white vehicles are banned for a day, halos lahat ng negosyong may L300 na white ay hindi magagamit. Mapipilayan talaga ang mga negosyo kahit paano.
Nevertheless, agree naman ako sa sinabi mo na maraming poltikong may self-interests kaya mabagal umusad ang pag-unlad ng bansa natin.
Peace Bro and I hope this is just a misunderstanding.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2007
- Posts
- 60
July 14th, 2007 02:38 PM #39
-
July 18th, 2007 11:01 PM #40
pag private vehicle kasi, at work day, most likely ang time lang na nasa kalye yan e yung time na papunta siya sa office.. the rest of the day, nakapark na yan, at di na gumagamit ng road space... gagamit lang ulit ng road space yan pag nag travel na siya pauwi... unlike PUVs na maghapon nasa kalye, puno o hindi puno...