Results 1 to 10 of 58
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 291
March 29th, 2006 06:44 PM #1Nakademanda pala si John Arigo ng Coca-Cola.
Damaged to property ang kanyang kaso na inihain ni Mario Reyes, owner ng Shell Gas Station sa Quezon Avenue.
Di ko sinasadyang natuklasan ang kaso ni Arigo kundi ko pa nakita ang kaibigang chief mechanic sa Quezon Ave. Shell station na si Glenn Casilao.
Ayon kay Glenn nag-ugat ang kaso noong umaga nang nakaraang Pebrero, bandang alas-sais nang pumarada ang sasakyan ni Arigo.
Dahil flat ang gulong, deretsong tinungo ng PBA player ang kargahan ng hangin.
Nang malamang out-of-order kinuha ang kanyang golf club na nasa kotse at pinagpapalo ang meter display ng kargahan ng hangin sa gulong.
Matapos na nagpapaluin ang machine, ibinalibag ni Arigo ang naputol na golf club at tinamaan ang supervisor na si Janet Castro sa paa.
Mismong tinanong ko si Janet kung bakit hindi niya idemanda ng physical injury si Arigo.
"Hindi naman po ako nasaktan ng todo dahil tumama `yung kanyang golf club sa sapatos ko," sabi ni Janet. Suwerte ni Arigo mabait si Janet.
Ayon kay Janet tatayo na lamang siya at ang ibang boy na naroroon nang maganap ang insidente bilang witness sa kaso.
Magaan lamang ang kasong ito ni Arigo at madaling aregluhin, pero ang kanyang naging aksyon ng umagang iyon ay nakakabahala para sa team ng kanyang pinaglalaruan.
Alam naman natin ang reputasyon ng San Miguel Corp. wholesome image ang ipino-project nito sa publiko at sa ginawa ni Arigo na binabayaran para I-promote ang Coca-Cola tila dapat na bigyan ito ng karampatang parusa.
Ewan ko rin kung umabot na sa kaalaman ng PBA ang ginawa ni Arigo, pero marahil hindi lamang ang SMC kundi maging ang tanggapan ng PBA ang sumuheto sa ganitong pag-uugali ng mga players sa labas.
Isa pa, anong ginagawa ni Arigo sa Quezon Avenue ng ganoon kaaga?
Sabi nga ni Glenn, nababaitan nga kami kapag nagpapakarga siya ng hangin dati, pero nu’ng umagang iyon parang may kung anong sumapi sa kanya.
Wow ha! Kume hindi naman sa nagsa-suggest ako. Baka pwede na ulit buhayin ang drug testing sa PBA.
-
March 29th, 2006 06:58 PM #2
so that is one side of the coin... wonder what john arigo will say about that.
-
March 30th, 2006 01:37 AM #3
that early tapos hinahampas nya ng golf club yung meter display? malamang mago-golf
imbes na mag-driving range, dun na lang siya nagwarmup. hehehe!
-
March 30th, 2006 02:04 AM #4
Naku nakakagulat at nakakatakot naman ang ginawa niyan sa meter display.Kailangan niya mag anger management ba yun..
-
March 30th, 2006 04:28 AM #5
kung positive sa drugs, malamang nag make face yun meter display sa kanya
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2005
- Posts
- 38
March 30th, 2006 05:06 AM #6Nabasa ko ito sa abante tonite/tabloid kanina, How come pareho ang kwento, I mean pati period and pauses at kwento din ng chief mechanic yung story....
Hmmmmm......STRANGE!
But talagang dapat makasuhan yang lokong yan kahit ba bad trip sya ng araw na yon di niya dapat ginawa yun!
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2005
- Posts
- 703
March 30th, 2006 08:17 AM #7OT: Old blue, sir, napadaan ba yung two tone pick up ninyo sa RCBC makati kagabi/umaga?
-
-
March 30th, 2006 01:50 PM #9
Originally Posted by KG21
leading pa naman ang coke ngayon ,baka maapektuhan ang laro ni JA niyan
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 291