Gandang araw mga katoto. Tatagalugin ko na para di na ako mahirapan mag ingles.

Nasangkot sa banggaan ang kotse ko noong nakalipas na buwan sa may molino, cavite. Nabundol ng delica ang revo at humampas naman sa tagiliran ko(vios) ang revo. Nagkasundo kami na babayaran ng driver ng delica kaming dalawang mga biktima. Nangako syang magbabayad sa amin noong January 10 subalit nang dumating ang takdang araw ay humingi pa ito ng palugit na sampung araw. Pinagbigyan naman namin pero lumipas na ang 10 araw ay di na tinutugunan ang aking mga tawag at text sa kanya. Nasa pangangalaga nga pala ng pulis ang kanyang drivers licence hanggang ngayon.

Mr. Diesta, kung sakali mang nagbabasa ka rito ay mangyari po sanang pangatawanan nyo ang ating napag usapan. Kayo ay naturingan pa namang isang barangay official ng calookan, Apat na libo lang naman iyon. Maaari naman kayong makipag usap sa kin ng maayos pero parang nakakaloko na kayo.

Pasensya na at dito ko lang nailabas ang nag aalimpuyo kong damdamin. Mabuhay ang tsikot.