Sir, actually hindi babalik ang timing kung i-adjust yung distributor. Yung ECU kasi may sariling spark timing table/map na ginagamit based sa mga inputs ng sensors. Pag inatras mo yung timing, wala itong kaalam-alam kung anong nanyari kaya patuloy pa rin itong gumagamit sa kanyang spark timing map. Ang resulta, overall delay sa spark timing, low power and efficiency yung makina.

Yung knock sensor ay parang microphone na nakikinig sa tope. Pag may "marinig" na tope yung ECU, pinapa-atras nito yung timing hanggat nawawala yung tope. Pag nag iba ang rpm o throttle position ba-se dun sa crankshaft position sensor at throttle position sensor, saka pa bumabalik sa dating spark timing map yung computer, hanggat tumope na naman.

Kung luma na ang makina, malamang magka-carbon buildup na ito sa combustion chamber at piston crown. Ang mangyari ay tumaas yung compression ratio, kaya pag sobra na for the original set spark timing, tumope ang makina. One temporary fix is to retard the timing, switch to higher octane or maglagay ng octane improver sa fuel tank. Kagaya nung sinabi nyo, ito'y temporary fix lang. Kailangan talaga i top overhaul ang makina at tanggalin yung carbon.