New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 35
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    350
    #1
    Just want to share nangyari sa bayaw ko last week sa may aurora blvd. near broadway centrum. Nakafull-stop daw siya dahil traffic when suddenly heard a loud Blag sa may roof niya and mga bystanders naglapitan pointing to his car, bumaba siya to check, yun pala may malaking bolt ( screw ) used sa construction ng MRT about 8inches long tumusok sa may roof near the rain gutter above the drivers seat ng xpdition niya. Galit na galit din mga bystanders dahil konti na lang baka sila na tinamaan.

    After a while may 2 police na dumating from the nearby detachment called by some motorists so pinapababa nila yung mga workers sa taas ng MRT and ang tagal tagal ayaw pa rin bumaba, so my bro-in-law called some friends sa san juan Swat, pag dating ng swat that's the time bumaba yung mga workers and their foreman, they got their name and filed a complaint.

    The next day my bro-in-law went to the contractor's office and to his surprise tinakot pa siya, saying idedemanda daw niya bayaw ko ska mga swat dahil umakyat daw sa construction site at hinila pababa mga workers nya, so he said walang nangyaring ganyan marami nakakita pati 2 police and mga tao sa may tindahan sa tabi. And wala daw magagawa dahil aksidente lang ang nangyari. After arguing for a while ayaw pa rin nila sagutin ang nangyaring aksidente so my bro-in-law showed his NBI ID and got his cellphone and told him kung ayaw nyo panagutan itong nangyari buti pa kausapin niyo na lang si Barbers, this guy quickly turned the cellphone off and ayun the usual pasensiya na daw sasagutin nila lahat ng expense sa repairs pati perwisyo sa oras niya, bakit di daw agad nagpakilala. GAGO talaga! Sabi ng bro in law ko kinakausap ka ng maayos, paano kung sa ibang tao nangyari yan, eh di dadaanin nyo sa paninindak niya at di niyo talaga babayaran, saka kung sa windshield tumama or sa tumatawid eh di siguradong patay yun sa laki ng bolt.

    Ingat na lang tayo pag dumadaan sa ilalim ng MRT. Wala kasing safety net at walang pakialam mga construction workers.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,352
    #2
    tnx for the warning bro!

    wala ganyan tlga dito sa pinas, dinadaan lahat sa sindakan eh...tsk tsk tsk

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #3
    nakakalungkot naman yun. sila na nga ang may sala sila pa galit.

    sumbong niyo kay Bayani yan.. Hindi sumusunod sa Safety Procedures..para matanggalan ng lisensya. *&!%*#$!&!

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    Pwede bang magpaakyat na lang ng bala kapag nahulugan ka ng turnilyo? Hehehehe. Para quits. Nakakabwiset na abala yung nangyari sa bayaw mo. Sana hindi na maulit.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    1,299
    #5
    Bakit daw di agad nagpakilala? P**%#$a! Sarap upakan ng taong yun a! Nakakausok ng tenga! Kung ala kang posisyon, di ka babayaran? At babaligtarin pa, yung nagrereklamo ang idedemanda! Dapat dun kahit na sagutin yung nasira, ipitin yung taong kausap ng bayaw mo. Turuan ng leksyon na di nya makakalimutan habang buhay sya! :mad:

  6. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,528
    #6
    ..8" bolt?!? wala man lang safety net or whatever?!? imagine what that can do to someone's skull...

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,084
    #7
    walang ganyan sa states hehe. I could only imagine him telling that to the SWAT face to face. Dapat di lang nila sagutin, kasuhan pa sila.

  8. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #8
    too bad ur bayaw didn't get it on video...ganda cguro panoorin sa TV un B).

    Some people are like that...ayaw daanin sa magandang usapan, inuunahan na ng sindak, hoping that u'd be the first to back down...kaya kung bastos ung kausap mo, bastusin mo na rin !

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #9
    buti lang at sasakyan lang yung tinamaan..
    kawawa naman kung pobreng pedestrian..
    at kung nagkataon..
    pananagutan kaya yun nung ogag na contractor na yun..

    wag na sana talagang maulit yon.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #10
    pano pala kung ako yun? wala naman akong nbi id? wala naman akong kilalang swat? pwede ko bang tawagan mga tsikoteers?

Page 1 of 4 1234 LastLast
Ingat passing under MRT