Results 1 to 10 of 29
Threaded View
-
December 18th, 2006 11:43 PM #1
Nagpark ako last Saturday sa Medical Center Manila sa may UN Avenue. Matarik iyong daan pataas. 2 lang kami ng asawa ko sa sasakyan walang karga iyong loob. Sasakyan namin Toyota Vios 1.3 2005 na may 15K ang milleage. Bagong tune up. Nung paakyat ako sa parking (mataas iyon), napansin ko iyong engine nanginginig parang bibigay so nilakasan ko apak ng gas pero talagang hindi kinayanan at bago ako mamatayan huminto ako sa kalahati ng matarik na daan. Tinry ko ulit umakyat nagpump ng malakas na gas pero hindi pa rin kaya. Ang susunod na ginawa ko umatras ako at bumwelo ulit but this time mas mabilis, buti na lang wala akong kasabay na sasakyan.
Ano ba ito problem ba ito ng sasakyan o problema ko kasi hindi ako nakabwelo ng matindi? Iyong una kong bwelo nasa 20km/hour ako, iyong pangalawa na successful nasa 25-30km/hr ako nun.
Iniisip ko lang paano kung pupunta kami ng pamilya ko sa Baguio at traffic? Eh di hindi kakayanin ng sasakyan ko umakyat sa daan papunta dun.
Btw, sa mga parking na pataas katulad ng RCBC Plaza na kung saan zigzag pa iyon nakakaakyat ang sasakyan ko w/ or w/out traffic. Baket dito may palya?
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines