Results 1 to 10 of 54
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 9
August 19th, 2006 01:05 AM #1magandang umaga mga iho, iha.e patulong naman sana sa inyo.ako'y galing middle east at may kaunting ipon. e,balak ko ibili ng van para ipasada na lang upang di na ako muli bumalik doon.e wala ako alam sa pagbibili. kukuha lang sana ako ng h100 o grace sa financing para may matira pa sa perang naiuwi ko. e ano bang mga papeles ibibigay sa akin sa financing pag nagbayad na ako ng paunang bayad? pano ko kaya masisiguro na hindi ako maloko at mapunta sa wala ang perang pinaghirapan ko? Pauna ko na ang Maraming salamat sa inyong lahat mga iho/iha....
-
August 19th, 2006 01:29 AM #2
magandang gabi po... mabuti naman at nakauwi ka ng ligtas ta may naipon ka sa pag trabaho mo sa middle east... eto lang po maipapayo ko: whag na whag po kayo kumuha ng h100 o grace, malamang mga ganyan na sasakyan ay surplus... oo nga nakamura ka nga sa ganoon na sasakyan ngunit mapapamura ka naman sa sakit ng ulo na maidudulot mo sa ganoon klaseng sasakyan at baka hindi ka pa bigyan ng frankisa ng LTFRB... mas mabuti pa kung kumuha ka ng brand new na sasakyan tulad ng mitsu adventure, or isuzu crosswind iyun ang mga typical fx dito thru bank financing, sigurado tutulongan ka ng sales agent ng dealer na bibilhan mo (hayaan mo sila mag lakad ng papeles at trabaho nila iyun... hindi mo sila kailangan bigyan ng tip... may commisyon mga iyun...) at malamang hingan ka ng mga documento tulad ng valid ID's, bank certificate, income tax return, bank statements... tanong mo din sa ahente na bibilhan mo ng kotse kung kaya niya lakarin ang frankisa para magamit mo sa negosyo ang sasakyan na bibilhin mo... (kung oo kailangan kasama ka palagi sa pag lakad ng frankisa para sigurado... madami ahente na sabi kaya pero huhuthutan ka lang...)
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 9
August 19th, 2006 02:11 AM #3chuaed iho, maraming salamat sa payo mo.pag-iisipan ko ng mabuti yan. e salamat muli ng marami....
-
August 21st, 2006 10:24 AM #4
tama nga po....as much as possible avoid yang mga 2nd hand vans na yan. IMO, yung price nila is pwede ba pang-DP sa bagong modelo like Mitsu L300 versa van or FB, o kaya Nissan Urvan Shuttle or Escapade, o kaya naman Toyota Hi-Ace. At least, sigurado ka na wala kang sakit ng ulo for the next 3 years or even longer. And most of all, the warranty of a brand new vehicle is incomparable sa mga 2nd hand.
Siguro you are thinking of a shuttle or garage service. Oks nga yan, pag walang sked na rental mga units namin, ganun din ginagawa namin. Consider applying for a franchise and some dues being a member ng chose association mo.
Good luck po!
-
August 21st, 2006 11:07 AM #5
I suggest you consider other lines of business.
With the rising costs of fuel and spare parts, transportation business is not advisable if you would have 1 unit operating only and considering that it would be under loan.
Paano na kung nagkaaberya o naaksidente ang sasakyan? Where would you get the payment of your loan?
-
August 21st, 2006 02:02 PM #6
Gandang tanghali ho tatang. Saan po bang location nyo ipapasada? Kung dito ho sa probinsya pwedeng-pwede ho ang H100/Grace. May mga kaibigan akong merong ganyang ipinapasada din. Ang mahina lang yung aircon pero yung pang-ilalim matibay at yung makina matipid naman sa diesel at malakas. Hindi nga daw bumababa ng 90kph ang takbo nila kahit puno. Sa maintenance naman kapareho lang ng Mitsubishi kaya wala silang problema.
About financing naman mas maganda hong kumuha ka na lang ng cash basis para wala ka ng iisipin na babayaran. Tingin ho kayo dito sa tsikot carfinder marami hong mura.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 9
August 21st, 2006 06:49 PM #7maraming salamat iho.malaking bagay ang mga sinasabi nyo dahil matatagal na kayong may hawak ng sasakyan. salamat!
-
August 21st, 2006 07:06 PM #8
tatang, yung bagong sasakyan na suhestiyon nila ay mas maganda.medyo mahirap po ang 2nd hand siguradong bibigyan kayo ng sakit ng ulo.
-
August 21st, 2006 07:54 PM #9
bakit ayaw ng iba dito sa grace/H100? ok naman mga yun a, basta pumili lang kayo ng unit na maganda. meron ako nakausap nuon sa baguio na ang business nya ay van for rent. binenta nya yung L300 nya at bumili ng grace. mas maganda daw dihamak ang grace kesa sa L300. parehas lang naman ang engine at suspension parts sa L300 kaya madami pyesa. at mas maganda ang injection pump ng hyundai grace/H100 kesa sa mitsu L300, hindi usukin.
mga suggestion nyo na brand new unit ang kunin e mahihirapan si tatang na bawiin yung puhunan nya kung nagbabayad siya ng amortisation. saka mahirapan siya ma-approve sa banko kasi EX-ofw na siya. tama lang na imbes na mag-down siya sa new unit e gamitin nya yung pera para bumili ng second hand korean van. basta tatang ikaw ang magmamaneho para syempre todo ingat sa pasada. huwag mo ipalabas sa iba at sigurado ko dadayain ka lang.
suggest ko din, imbes na kumuha pa kayo ng franchise sa ltfrb e for-hire nyo na lang. P3000/12 hours ang rent ng van ngayon, customer ang sagot sa diesel. kung kaya ng pera nyo na kumuha ng hyundai starex 11-seater mas maganda pa at mas mataas ang rent nun.
-
August 21st, 2006 07:57 PM #10
tatang ,
magandang gabi po ,kung kaya nyo talaga po sana nag bago ay brand new nyo na ang hulugan nyo .kung kukuha kasi kayo ng 2nd hand ay baka ilan weeks or months lang dami nyo na sakit ng ulo para ipa repair .lalo na ipampasada pa ninyo at kung sakali nakakuha na kayo mag isip pa din kayo ng ibang pwede pag kakitaan (gaya ng sabi ni J_avonni).baka kasi mahirapan kayo sa magiging monthly amortization ninyo kung sa pamamasada nyo lang kukunin ang pambayad ninyo kada buwan ,lalo na kung nagka aberya at hindi kumikita ang sasakyan ninyo
bakit po hindi ninyo gamitin sa ibang negosyo ang perang naipon niyo,
aside sa pag papasada
dami na din ako nabalitaan ,kumuha ng mga AUV tapos pinamasada at doon lang kinukuha ang pambayad monthly ..pasada maghapon at magdamag para mahabol ang mga bayarin(lalo na sa sasakyan ) at gastusin sa pamilya
maaga madami nasira ,dahil sa sobrang gamit or pang aabuso.,
lagi nasa talyer at hindi makabiyahe ..
wla ngayon source of income
ayon ilan buwan lang nabatak na ng bangko