Results 1 to 10 of 91
-
October 2nd, 2006 03:55 PM #1
Hi mga sir!
Lahat naman po ata dito dumaan. Pa share na lang po nung mga experiences nyo nung nag aaral pa lang kayong mgadrive. How-To's and Tips and tricks sa driving na natutunan nyo na baka makatulong sa mga baguhan. MT vs AT, nakahang o stuck sa traffic na uphill, highway driving and paano magdrive sa mga nakakainis na daan ( lalo na sa edsa ). :meeting:
-
October 2nd, 2006 04:01 PM #2
naku..hindi ko na matandan. nung natuto kase akong mag-drive, si Ferdinand Marcos pa ang presidente at si Ninoy Aquino eh nasa Boston pa.
-
October 2nd, 2006 04:06 PM #3
ako laging namamatayan ng makina, lalo na from complete stop.
ang ayaw na ayaw ko ay yung hanging pataas tapos traffic he he. practice mo mabuti yun.
-
October 2nd, 2006 04:11 PM #4
palagi me namamatayan rin from complete stop. lalo na pag may kasama me na habang magaral magdrive. pag ako lang magisa, parang ok naman.
kabado. hahaha. takot din ako sa edsa kaya sa konting sasakyan muna. village ng pinsan ko. wala gaanong kotse. yung "timpla" ng clutch at accelerator ba habang hanging ka sa uphill kanya kanyang "timpla" lang ba talaga yun o may dapat kang sinusunod?
-
October 2nd, 2006 04:16 PM #5
kanya-kanyang timpla siguro ako nga noon todo apak sa clutch para hindi mamatay makina.
-
October 2nd, 2006 05:35 PM #6
Hmmm... I've spent the last ten years trying to unlearn what I was taught when I was learning to drive... anggaling naman kasi ng mokong nagturo sa akin...
Ang pagbalik ng comeback...
-
October 2nd, 2006 06:19 PM #7
ahehe.. naaalala ko pa.. when i was around kinder or grade1, my dad or my uncles would sit me on their lap and let me take the wheel. then when i was in grade 3 or 4 they'd let me shift. so by grade 6 i knew how to drive. ofcourse I can barely reach the pedals and see beyond the dash then
another thing i remember was.. i thought that as i worked my way through the gears that i dont need to downshift anymore even after slowing down. kala ko laging nasa quarta nalang sha
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2005
- Posts
- 47
October 2nd, 2006 06:40 PM #8Ang naaalala kong "self-training" na tinuro ng uncle ko nung nagaaral pa lang ako magmaneho ay yung sa bitin para sa M/T.
Hanap ka ng isang driveway na inclined. Tapos sa parehong dulo nung driveway (pinakamababa at pinakamataas) ay lagyan ng bato o kahoy na pang sangkal para kung sakaling hindi ka makapreno agad ay hindi ka bumangga sa dulo ng driveway o lumabas ng driveway.
Pag tapos ng setup, umpisa na ang practice. Abante mo yung sasakyan mo hanggang kalahati nung driveway at magpreno. Bitaw ng preno at dun ka na magsubok ng pagtimpla ng clutch at accelerator na hindi ka mamatayan at maka-abante ka pataas. Kung malapit ka na sa taas nung driveway, pabayaan umatras yung sasakyan hanggang dun sa sangkal sa baba at ulitin.
Kapag inaraw-araw mo yan, sandali lang at pwede ka na mag practice sa inclined na kalsada dahil sanay ka na at hindi na masyadong kakabahan.
HTH
-
October 2nd, 2006 06:44 PM #9
ako, when i get rammed on the side by an elf truck sa inclined na trapik. just a few moments ago (at that time), naisip ko pa "ano kaya masabit ako?" ala, bam, sumabit nga. not long after, nung pinapasok ko na yung kotse sa garahe, alangya, sumabit naman sa poste namin...
-
October 2nd, 2006 06:50 PM #10
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines