Results 1 to 10 of 68
Hybrid View
-
June 16th, 2004 10:41 PM #1
Guys, tanong ko lang...saan ba napupunta yung service charge?
kasi karamihan ng fastfood & chinese restaurant walang SC?
Mcdo ba, Jollibee & KFC ba may SC din ba?..(di ko napapansin sa receipt).
:confused::confused:
-
June 16th, 2004 10:51 PM #2
ang service charge ay napupunta sa lahat ng staff ng resto, pinaghahati-hatian nila every 15 days. jan nabubuhay ang mga workers ng mga hotels n resto since mababa lang naman ang suweldo nila.
walang SC ang mga fast food chains
-
June 16th, 2004 10:56 PM #3
so kapag meron na bang service charge ang resto, hindi na ako magbibigay ng tip?
Signature
-
June 16th, 2004 11:01 PM #4
suppose to be mapupunta yun as tip ng waiters, cooks, maitre'd, cashier, security guard, parking attendant, valet, dish washer....
pero sa tutuo lang napupunta lang yun sa bulsa ng may-ari ng restaurant. it is one way for the restaurant owner to charge you 10% higher for the food they serve you without you complaining that their price is too high. nasa isip mo kasi ok lang at sa waiters and cooks mapupunta. it is also not reported as income so nakakadaya pa sila sa tax with that additional 10%.
kami pag may service charge ang restaurant di na namin binabalikan, pwera na lang kung dun gusto kumain talaga. we'd rather give the tip direct to the waiter than to pay it as service charge.
-
June 16th, 2004 11:01 PM #5
yes dapat wala ng tip, pero kung nagustuhan mo ang serbisyo ng serbidora/serbidoro mo pede na 100 pesos na tip hehehehe. Pero ako pagka nakita ko sa bill na walang service charge naga tip ako pag meron iyon coins lang ang iniiwan ko
tama si gretzy doon, noong serbidoro ako ng shakeys ang inaabangan namin ang distribution ng service charge sa empleyado pero once a month lang yon kasi mas malaki iyon sa ganansya ng empleyado ng isang restorante
-
June 16th, 2004 11:04 PM #6
OT: kung walang service charge, ang pagbigay ba ng tip e parang proportional din ba sa amount ng nakain nyo? ie, kung 1000 ang bill, P20.00, pag 2,000 ang bill, P40.00 ang tip, etc.
Signature
-
June 16th, 2004 11:09 PM #7
mali po ung mentality nyo sir yebo
sa lahat ng pinuntahan na naming mga resto since hrim student ako, the service charge goes to all the staff ng resto, including ung mga nasa office.
di yan pwedeng kunin ng owners since hindi naman sila ang nagcocompute kung magkano ang total SC na paghahati-hatian ng mga employees. n pwede din sila ireklamo ng mga workers kung di nila makukuha yan.
ung tip naman napupunta yan sa lahat ng taong nakaapekto sa food n service (dining n kitchen staff lang)
ideally 10% dapat ang binibigay na tip.
if u really like the service, it's ur way of thanking them na din. they would really appreciate that (P250/day lang ang sweldo nila!). iniipon din yan kc cental tipping system na ang nagyayari ngayon, hinahati-hati yan equally among them.
-
June 16th, 2004 11:12 PM #8
sakin palagay bente plus coins okey na kahit na gaano pa kataas ang bill mo.
-
June 16th, 2004 11:12 PM #9
10%? so kung naka P3,000.00 kami, P300.00 ang tip?
naalala ko pala, meron akong isang relative who works as a manager for a resto, kwento nya sa akin, yung laman ng tip box, at the end of the month, meron din porsyento ang boss nya, tapos the rest e paghahatian na nilang lahat.Signature
-
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines