eto ang masaklap din na kwento. mag-asawang medyo bago pa lang dito sa states (they've been living here for over a year). pareho silang registered nurses. mayron silang 1 child. noong mga ilang bwan pa lang sila dito naisipan ni mister na maglaba (nasa work si misis). tinawagan nya si misis para ipaalam na maglaba kasi baka magtaka sya na wala sya sa bahay pagdating nya. sabi ni misis hwag na maglaba at sya na lang pagdating nya galing work. hindi nakinig si mister. naglaba pa rin. nakita nya ay isang underwear na panlalake. hindi sa kanya. tinanong nya si misis kung kanino
ang underwear. sagot ni misis ay underwear daw ng tatay nya (tatay ni misis). hindi na kumibo si mister, pero hindi mapakali ang loob.
makaraan ang ilang bwan, hiwalay na sila. sabi ni misis kay mister ay hindi na daw nya ito mahal. may iba si misis na nakilala either sa work nya or malapit sa work nya (wife works 2 hours away from their house). o eto pa. may iba din na lalake si misis sa pilipinas, so matagal na palang iniiputan ni misis ang ulo ni mister. ang pinakamasakit, tinatago ngayon ni misis ang bata kay mister. ngayon si mister iyak ng iyak.