Good day mga sirs, kailangan ko lang po ng advice niyo, may nagawa po kasi ako kasalanan sa daddy ko po. bali ganito po nangyari:

Pinagagamit po saakin ni daddy ung auto na binili niya para pang service po sa college. Bali 3 Weeks old palang po ung kotse na pinapaggamit saakin. Then kanina lang po, pauwi ako ng bahay galing sa school, aksidente po na sumabit ung kotse sa isang road divider. Hindi ko po natancha ung paliko kaya sumabit po. Medyo malaki po ung naging damage nung auto kasi ung isang pinto po sa passenger side e nagasgasan po. Hindi ko pa po nasasabe pa sa kanya kasi nasa work pa and hindi ko din po alam ung sasabihin ko po dahil malaki ung tiwala niya sakin sa pagmamaneho kaya pinapagamit niya saakin ung kotse po kahit na bago pa po. Ano po ba dapat ung sabihin ko po? Kasi sobrang kinakabahan at natatakot po ako sa nangyari kanina. Thank you po.