meron akong kasama sa rig dati, ang may hawak ng bank book nya yung byenan nya :

sarili nga nyang sasakyan di nya magamit ng walang paalam sa byenan. ang laking t*ng* e ano! sinulsulan ko pero ayaw makinig. hangang sa dumating yung time na yung sariling parents nya nangailangan ng tulong. lumapit yung nanay nya sa byenan nya, umuutang kasi need ng pambayad sa ospital at nagkasakit yung tatay nya. sagot ng byenan e "wala kayong pakialam dito sa pera na ito, sa amin lang ito." ayun natauhan, pag uwi nya kinuha nya bank book nya sa byenan, at away sila mag-asawa. hiwalay daw kung hiwalay. so hiwalay nga. aba ang byenan maabilidad, sinabi ba naman sa bank na ilipat yung remittance sa bank account nya. so ayun ang t*ng* pumunta sa akin, kasi pabalik na sa rig e wala kahit isang beinte-sinkong duling. so sinamahan ko sa legal department ng pnb, at sa madaling salita e nabawi niya yung remittance nya. ayun ang byenan naghihimutok, nawalan ng balon. hate na hate ako nung asawa nya, sulsol daw ako, masamang tao. bwahahahahaha!
legal separation sila, binigyan lang ng judge ng P2500 allowance per child. walang allowance ang misis, pinagalitan pa ng judge. pero after a few years nagkabalikan din kasi may anak e. balita ko balik sa dating gawi, byenan may hawak ng pera nya. hay buhay!