hi. tulong naman po. kakakuha ko lang kasi nitong kotse na to. okay naman siya naiuwi ko pa ng bahay. then kinabukasan nadiskarga baterry niya. so nag decide ako iparewire dahil salasalabat ang wire. after irewire okay na hindi na nagdidischarge pero meron ako napansin na ginawa ng electrician bago niya maayos lahat ng wire hindi niya agad napastart, then ang ginawa niya dinisconnect niya muna un wire sa idle up solenoid at tinangal ang idle jet. ang sabi niya sira na daw un idle solenoid kaya hindi maistart. pero bakit ganon bago niya naman irewire nakakabit na talaga un wire sa idle solenoid pero 1 click start naman siya bago niya irewire. hindi ko na din siya masyado tinanong kasi after niya tangalin un wire sa idle solenoid at tangal idle jet ay nagstart naman.

pero after mga 2 days ko hindi na start un kotse, pagka start ko kanina mga 2 mins pa lang ako tumatakbo pag ka brake ko bigla nalang namatay makina then try ko start ulit ayaw na. meron kaya conection sa pagkarewire niya at pagtangal ng idle solenoid wire at jet?

ang mga ginawa ko kanina, palit condenser at contact point, nilinis ko na din HT wire at distributor cap, pero wala pa din. possible kaya na sa carb ito? pero bago niya irewire super ayos pa ng takbo at idle.

hindi ko lang matangap na kaya hindi nagstart pagkarewire niya ay sira ang idle solenoid kaya disable niya ito, dahil bago ko iparewire maayos ang idle ko at 1 click start ako.

pahabol na tanong po, nagstart naman po un kotse ng mga 2 days after marewire na walang idle up. connected kaya ito kung bakit biglang namatay pagkabrake ko at hindi na nagstart?

pasensiya na kung magulo at mahaba. TIA