A: (Ayon sa ilang eksperto na napagtanungan ko)

Ang isa sa mga dahilan ay ang hindi pag-iingat sa motor oil o lubricant na ating ginagamit sa makina.

Kahit na bago o brand new ang sasakyan, sa katagalan ang sisira dito ay ang tinatawag na "cold cranking" o pag-i-start sa umaga matapos ang magdamag na pagparada sa garahe.

Habang ang karamihan ng motor oil ay nasa ilalim pa ng makina, kapag pinaandar ang sasakyan ay nagkakaroon na agad ng friction o gasgasan sa pagitan ng piston at cylinder liner dahil sa wala pang lubricant ito.

Sa paglipas ng panahon lumalaki ang gap ng oil seal na siyang dahilan ng "loose compression" o paghina sa hatak ng makina.

Ito ay dahilan din kung kaya nagiging mausok ang ating tambutso, sapagkat humahalo ang langis ng makina sa gasoline o diesel at kapag nasunog ito ang resulta ay puting usok.

Ang itim na usok naman ay sanhi ng hindi kayang pagsunog ng makina sa diesel kung kaya lumalabas bilang "carbon emission" ang "unburn fuel," indikasyon din ito na patungo na sa pagiging “blow-by” lalo na ng gasoline engine kapag hindi ito naagapan.

Nagiging magastos sa gasoline o diesel ang sasakyan habang tumatagal dulot ng di mahusay na “internal combustion” ng isang loose compression na makina kaya nasasayang lamang ang fuel at hindi nako-convert sa power ng motor.

Kaya nakita ko na para gumanda ang motor oil o lubricant na ating ginagamit ay lagyan ito ng OIL ENHANCER para bumalik sa dating lakas at maprotektahan ang iyong makina.