New owner of Diesel vehicle po ako, i bought my 2nd hand REVO last December 2013 sa PASAY Automall. Alam po siguro nating lahat na ang diesel engine ay matipid sa Fuel Consumption lalo na pag brand new. Dahil before po ako nagkaroon ng REVO nasubukan kong imaneho ang service ng opisina na 2005 REVO diesel na halos 1 araw kameng bumibyahe e kaunti lang binaba ng fuel guage meter nya kaya impress na impress ako sa REVO. Pero nong mabili ko nga yung 2004 REVO 2.4 diesel e nagulat ako sa FC ko ng tumakbo ako ng more than 100 kl from Crame to Sta Rosa Laguna then vice versa e from half yung fuel guage ko (gitnang guhit) bumagsak sa 1/4 agad (pangalawang guhit) considering na long drive yun kasi sa SLEX at walang traffic sa EDSA dahil sunday. Abay sabi ko parang EXPEDITION kung kumonsumo ah By the way gumagamit pala ako ng 2T sa diesel ko ayon sa feedback nga dito sa TSIKOT regarding. using 2T oil para pampatahimik/smooth ng makina at less smoke, abay magandang benefits kaya ginawa ko. Pero inubos ko na yung mga diesel ko na may halong 2T baka kako yun ang dahilan. From now i will observe kung magbabago FC nya pero kung hindi sana matulungan nyo ako