Results 1 to 10 of 14
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2011
- Posts
- 11
March 31st, 2011 05:06 PM #1Mga sir newbie lang po dito. gusto ko lang po sana malaman kung anong mga advantages and disadvatages ng toyota 2ct engine. since plano ko mapalit ng makina for my toyota liteace. pwede bang malaman kung ano yung mga kadalasang nasisira, napuputol o kung anu ano pa mang bagay. feel free to comment po, gusto ko po marinig lahat kahit ano pa man yan basta tungkol sa 2ct engine. thanks in advance sa lahat ng tsikoters!
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jan 2005
- Posts
- 445
April 3rd, 2011 09:26 PM #2Fair naman ang consumption ng 2C.
Kaya lang sa experience ko sa C series kapag humahataw ka sa xpressway may tendeny na mag overheat.
Sa pampasaherong fx every 2 years overhaul yan.
Pansin ko naman mejo mabilis sya humina. nung unang bili namin para sa owner eh malakas humatak at mabilis mag accelerate pero after 3 months para ng pagong.
Abangan mo jan ang timing belt every 3 years palitan mo at every 1 year tingnan mo kung may tagas langis paupunta belt, wasak makina mo pag nasira yan.Last edited by reym; April 3rd, 2011 at 09:30 PM. Reason: Additional comment
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 123
-
April 4th, 2011 06:48 AM #4
Kesa bumili ka ng 2ct, bumili ka na lang ng 2L with or without turbo, 3L with or w/o turbo. Mas matibay yun at mas malakas
-
Certified MB Addict
- Join Date
- Apr 2007
- Posts
- 2,284
April 4th, 2011 08:59 AM #5
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jan 2005
- Posts
- 445
April 4th, 2011 01:22 PM #6*Dagol,
Ung 1C namin 2 x na namimin pina overhaul in 4 years, di yun lagi gamit (every weekend lang), naka set pa sa standard measurement based sa manual ng 1 c ung mga settings nya each time na inoverhaul.
Pag ka overhaul nya nawawala ang overheating pag binibirit, for 6 months tapos nag ooverheat nanaman kapag binibirit after 6 months.
Di naman cguro radiator un kasi ung radiator at low speed mag ooverheat at pede sya mag overheat sa medium speed. At napaka laki ng radiator namin.
*TS
Malamang mababa ang tolerance ng C series sa high rpm.
Tama ung isang ng post ang L series eh tested na hanggang ngayon marami pang buhay na L series.
Pede magkasya un hanap ka magaling mag mount, may kilala ako sa valenzuela.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 123
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2011
- Posts
- 11
April 4th, 2011 07:28 PM #8mga sir salamat po sa mga advices ninyo. so far wala pa naman akong napapansin na pagbabago at yung sa temperature ko naman lagi lang nakadapa. salamat sa mga tulong ninyo.
-
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jan 2005
- Posts
- 445
April 4th, 2011 11:28 PM #10Originally Posted by reym View Post
*Dagol,
Ung 1C namin 2 x na namimin pina overhaul in 4 years, di yun lagi gamit (every weekend lang), naka set pa sa standard measurement based sa manual ng 1 c ung mga settings nya each time na inoverhaul.Baka hindi pantay ang surface ng engine block o ang cylinder head kaya madaling sumingaw ang head gasket.Assuming milled ang head at block,baka hindi tama ang roughness ng surface or mahinang klase ang head gasket na ikinabit.Madalas pa na ibinabalik ng mga mekaniko ang mga head bolts kahit torque to yield(TTY) ang mga ito na hindi advisable na gamitin ulit,tapos tinatanya lang nila ang higpit ng mga tornilyo ng cylinder head.Maselan ang pag-overhaul ng diesel engine kaya di pwede ang hula-hula lamang dito.Kailangan ang skilled na diesel mechanic na mangilan-ngilan lang dyan sa atin.
Nope nung sinabi kong nasa specs lahat ung nasa specs pati torque ( we used torque wrench) Mechanic is supervised by my uncle who is a mechanical engineer. And we bought high quality overhauling gaskets.
Cyinder head and block is checked for warpage, cylinder head is checked also for cracks via machine shop.
Head valve was replaced and valve clearance was set by machine shop.
Pag ka overhaul nya nawawala ang overheating pag binibirit, for 6 months tapos nag ooverheat nanaman kapag binibirit after 6 months.Mahina nga yung gumawa kaya ilang libong kilometro lang ang itinagal ng head gasket.
Di naman cguro radiator un kasi ung radiator at low speed mag ooverheat at pede sya mag overheat sa medium speed. At napaka laki ng radiator namin.Hindi kayang pigilan ng radiator ang eventual na pagsingaw ng head gasket.Sisingaw at sisingaw sya kahit di ma-overheat ang makina.
Kapang may problema sa head gasket or cylinder head, pwedeng maghalo langis sa tubig or nauubos ang tubig sa radiator at over heat at low speed.
*TS
Malamang mababa ang tolerance ng C series sa high rpm.Matitibay ang mga gawang hapon na diesel engines,kaya lang nong panahon na dumating ang C series sa atin,mababa pa lang ang kalidad ng mga langis na mabibili kayat di gaanong tumagal,lalo na sa taxi na masyadong inaabuso.
Sa bahay namin dati sa navotas, gamit ng mga banka mitsu 4dr5, Isuzu lots of isuzu C Series, hindi magaganda ginagamit na langis dun pero Ilang taon ang servisyo bago bunigay. Gumagamit din ng toyota 4k ang mga maliliit na banka para gamitin pang dala ng isda sa pamilihan (mayroon lang radiator). Pero nung gumamit sila 1C, di na nila inulit dahil madaling masira.
Kahit sinong may ari ng banka sa Navotas sasabihin walng kwenta ang 1C ng toyota.
Tama ung isang ng post ang L series eh tested na hanggang ngayon marami pang buhay na L series.Wala na sa market ang low quality oil ng dumating ang mga yan
* TS, Nasa iyo yan kung sino paniniwalaan mo. Punta ka Navotas minsan tanong mo kung maganda ang C series. Kahit Jeep na pampasahero kahit anong tipid ng 1C eh alang gumagamit eh.