Results 1 to 10 of 27
Threaded View
-
May 1st, 2009 04:37 AM #7
Nahanap ko na problem sa pickup ko. Hindi injection pump or electrical. Ang cause ng problem is yung Crankshaft pulley. Apparently, ang crankshaft pulley ng 4JA1 eventually nagiging loose doon sa connection between the pulley itself and the shaft. Separated sila ng rubber para ma dampen vibration. Sa umpisa tight ang fit ng dalawa so walang kahit anong play and susunod ang pulley kapag umandar ang shaft. Pag tumagal na, around 50k Km or more, yung pulley at shaft nagiging loose. Kaya kung paandarin mo AC, additional load sa pulley, naiiwan ang pulley kung umiikot ang shaft. Kaya kinakapos. Result --- vibration. Then pag tumagal ba ulit, mas nagiging erratic ang idling specially kapag mainit na ang engine, mas loose na pulley sa shaft.
Pinatanggal ko crankshaft pulley and yun nga umiikot freely yung pulley while hawak mo yung shaft portion. Pinalitan namin ng orig (around Php5k), natanggal na problem. Kung meron symptom na ganito 4JA1 niyo, pa check niyo crankshaft pulley. Baka yon din ang cause.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines