Hi guys,

My car is a 1.5 CVT HONDA JAZZ 30,000 KM, last PMS was at 22,000 KM All done sa casa.

The casa said I got hit by contaminated E-10?

Here is the story:

Naputol kasi ang transmission/engine support ko a few days ago so it was replaced under warranty.

Nung inuwi ko from casa, nagsimula na shang manginig pag umaandar and it progressed-- one day mild pa then dinala ko ulit sa casa, may adjustments sila na ginawa pero tingin daw nila contaminated fuel kaso konti na lang fuel sa tank ko non so sabi sa ken ubusin ko na lang daw dahil sayang naman ibabayad ko sa fuel flushing na 2500. Wala kasing way na maiflush yung fuel unless ibababa ang fuel tank-

So nung nilabas ko, inubos ko na muna ang E-10 at nagpakarga ako ng PETRON UNLEADED, aba naging mas malala na as in parang matatanggal makina ko. Nakarinig na din ako ng knocking sound tapos yung nginig parang naging diesel na sha-

Binalik ko sa casa next day and they adjusted the transmission supports, cleaned the spark plugs saka karburador daw madumi, chineck nila lahat engine, transmission (CVT), wheels, alignment at okay naman daw lahat. They reprogrammed everything at ang di lang nila matest daw yung fuel kasi wala daw sila pantest non. So sabi sa ken baka daw ilang karga ng bagong gasolina, mawala na din daw totally kasi naging mild na lang sha.

Teka, Hindi ba fuel-injected ang Jazz? May carburetor pala ito? Di ba dapat wala?

Anyway, inuwi ko and sabihin na natin na nagimprove sha ng 80% sa mga ginawa nila. Kaya lang, on idle nanginging pa rin kasi bumabagsak ng konti sa 1 yung RPM so isip ko papadjust ko na lang ulit, pero obserbahan ko muna after 2 karga ng Petron BLAZE. So nung namula na ang fuel indicator, karga na ko ng Blaze 500 pesos. Gumanda naman ang takbo-- smooth sha pag mabilis kaso yun nga nangingig sa idle pag naka-tambay which is adjustment lang ata ang katapat.

Kaso napansin ko nitong 2nd karga ko ng Blaze (pangalawang empty tank ko na), medyo may mild nginig pa rin miski tumatakbo sa hiway tapos yung tambutso ko pala is parang iba ang sound, parang tunog nya medyo garalgal na parang may intermittent na pumuputok putok na mahina sa loob, parang may bumabara dun sa hangin ng exhaust pipe pero wala namang usok or what.

Ano po kaya ang problema nito? Sa tingin nyo ba miski nagload na ko ng Petron Blaze 2nd time, dapat ipa-fuel flush ko na ito??? Ano pa ba ang dapat ko ipacheck sa kanila or ipalinis?

Under warranty pa yung oto ko so okay naman ipacheck lahat sa casa.

Any inputs will be greatly appreciated