need help..napansin ko na parang nagiging marumi yung engine ko.. nung tinignan kong maigi.. parang lumalabas yung langis sa part ng engine na may gaskets.. wala naman ito dati, ngayon lang.

i just had my oil changed, siguro two months ago.. shell helix dati ang ginagamit ko, pero i switched to havoline nitong huling oil change.. may kinalaman ba ito? nabasa ko kasi dati na parang semi synthetic ang havoline.. and if you switched from mineral to synthetic, may tendency nga na mag leak.. ano ba pde kong gawin?

plano ko kasi mag paengine wash para maalis yung dumi ng langis, tapos papachange oil ulit ako, balik na lang sa mineral based.. if i do this, mawawala na ba yung leak? kung di mawala, ano ba pde kong gawin?
97 mazda familia glx ang ride ko..

thanks