Results 1 to 10 of 30
-
May 7th, 2007 08:36 PM #1
Hi,
Good day to all Tsikot members, new member lang ako buti na lang meron mga ganitong forums. Meron kaming Hilander ung problem ng sasakyan meron crack yung engine block doon sa first 1st bore/sleeves (un ba tawag don?) na malapit sa auxilliary fan ng engine. Yung dahilan yata nito nung umuwi yung father ko tapos may hisss sound so check ko yung hood yon putok na yung upper radiator hose & wala ng water yung cooling system, hindi na din napansin ng father ko. Nung ilang weeks after ng accident sa radiator napansin ko lakas ng oil consumption & masmaingay na din sya and ang puti ng usok ng sasakyan parang nasa heaven, yon pinacheck namin sa mekaniko namin for overhaul na daw and ang masama pa may crack nga yung engine block pinakita samin nung naalis na yung upper part ng makina. Ang suggestion ng mekaniko namin kung makahanap daw kami ng surplus na engine block or buong surplus na makina e hindi na kaya ng budget. Ginawan na lang ng paraan double sleeves na lang nya yung part na may crack pero hindi nya garanteed na tatagal. Almost 3 yrs na din until now ok pa yung makina kaya lang hindi na lang namin masyado hinihirit baka kasi mpwersa ulit yung part na my crack. Naghanap kami sa blumentrit ng engine block ng 4ja1 meron palang 2 klase nito? 1.) Belt type 2.) Gear type-ito daw yung lilabas locally dito sa pinas sabi nung mga natanungan namin. Bihira pa yung gear type and kung meron wala pang papers baka lalo lang mapasama kasi baka galing sa carnap. Hay buhay... kapag nakakajackpot nga naman.....
1.)Magkaiba ba talaga ang mechanism ng belt type engine block sa gear type engine block pero parehong 4ja1?
2.)San pa kaya pwede makahanap ng engine block ?
3.)How much po kaya o estimate lang ng 4ja1 engine na surplus? Hindi ko na kasi natanong last time na nagcavas ako ng engine block.
-
May 8th, 2007 01:46 PM #2
Welcome bro!
Kung block ang may crack medyo complicated yan kasi may engine number yan. It also depends on where the crack is and how well it was repaired. My suggestion is look for a surplus engine with papers and wait till the engine gives up and just replace it.
-
May 9th, 2007 01:45 PM #3
4jgtootsie,
Oo nga eh! complicated dahil nga sa meron syang engine number at required talaga na meron legal papers. Yung crack located sa front wall ng pinaka 1st na cylinder. Sa tingin ko ok yung pagkakagawa kasi tumagal sya pero syempre hindi pa din ako campante dahil nga any time pwede masira ulit. Meron nakapag sabi sakin na pwede daw ako tanong sa mga auto insurance para maghanap ng mga total wrecked na mga auto pero pwede pa yung yung makina. Siguro maghahanap muna din ako ng surplus & susulitin ko na lang yung engine ko ngayon anyway wala pa talaga syang problem up to now.
Thanks!
MGA KA TSIKOT BAKA MERON KAYO STOCK NG ENGINE BLOCK OR SURPLUS NA ENGINE NG 4JA1 W/ PAPERS PM NYO LANG PO AKO HEHEHE...
-
May 9th, 2007 06:31 PM #4
Tatagal yan, kung hindi matagal ng bumigay. Bantayan mo lang ang cooling system especially water pump at stuck na thermostat. Baka nga mas matibay pa yan sa mabibili mong replacement.
-
May 11th, 2007 05:40 PM #5
Siguro nga ilang yrs na din sya ok pa din, na daan na din siguro sa dasal hehehe... Yep! ingat na nga ako sa temperature ngayon, san nga pala makikita sa makina yung device ng thermostat sa radiator din ba mismo? plano ko nga din maglagay ng coolant, ano ba magandang brand? maraming salamat nga pala sa mga advice medyo nakakbawas ng worries ko.
-
May 12th, 2007 05:38 PM #6
isuzu4ja1,
Sa upper radiator hose engine end. When you see an aluminum elbow na may dalawang nut or bolt nasa loob niyon. What happened to your engine is the 2nd worst punishment an engine can endure 1st is running it without oil.
-
May 13th, 2007 06:51 PM #7
Sige check ko ito before ako magflush and maglagay ng coolant + distilled water. may nabasa ako sa ibang forum regarding thermostat valve it helps to regulate the temperature of an engine, standard ba sa lahat ng mga sasakyan ito? many thanks!!!!
-
May 16th, 2007 05:22 PM #8
Standard yan. I dont usually suggest removing it but in your situation i would. It will lessen the pressure within the cooling jacket. I have a friend that had a stuck closed thermostat. Nag overheat sa highway nag crack and cyl. head. Palit head, piston at liner.
-
May 16th, 2007 05:46 PM #9
If your thermostat is old, replace it. Running without one will cause increased engine wear from running cold all the time.
Ang pagbalik ng comeback...
-
May 17th, 2007 04:53 AM #10