Results 1 to 10 of 18
Hybrid View
-
February 9th, 2015 12:52 PM #1
Hello mga kuya. gusto mo ba maging batang grasa? pwes eto para sayo.
Skill level requirement: basta malakas ang loob mo at nakakaintindi ng konting mechanicals at electrical basics e ok na. hehe
Tools Required: Regular handtools atsaka multimeter (tester). tsaka 4 pcs G.I. sheet hugis kwadrado (mamaya malalaman mo gamit neto)
Hindi po kasali sa ngayon ang carbon brush replacement. Ang starter ay kumbaga "bolt-in then forget". saka mo lang ito ooperahan kung may problema na. isang option din ay linisin ang loob neto.
May 2 klase ng starter: Direct drive at Gear Reduction. Kadalasan direct drive ang mga maliliit na makina atsaka de-gasolina. Gear reduction naman sa mga mas mabigat kagaya ng diesel. tapos sa gear reduction, mayron kang planetary type at non-planetary (simpleng gear reduction lang kumbaga).
Ang involved dito na starter ay gear reduction non-planetary type.
[IMG]
[/IMG]
[IMG][/IMG]
Tanggalin mo muna ang Motor "M" terminal sa may solenoid.
[IMG][/IMG]
tapos yung 2 thru-bolts. mahaba to. PAALALA: wag kalimutan lagyan ng alignment marks ang starter.
[IMG][/IMG]
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2015
- Posts
- 20
February 9th, 2015 01:12 PM #2Natry mo naba magtrouble shoot ng starter nito sir? Kasi yung Vios ko na 2008 model 1.3J, Kapag iniistart ko parang may hissing sound "dit dit dit" pag start ng engine pero nawawala din agad. Sabi ng kaibigan ko baka sa starter daw yun.
-
February 9th, 2015 01:14 PM #3
pasensya na. conventional diesel lang kasi ang kabayo ko. may sariling utak kasi mga bagong sasakyan ngayon. lalu na kung walang scanner, mahirap itroubleshoot.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
pasensya na. conventional diesel lang kasi ang kabayo ko. may sariling utak kasi mga bagong sasakyan ngayon. lalu na kung walang scanner, mahirap itroubleshoot.
-
February 9th, 2015 01:25 PM #4
o sya ituloy natin.
FIELD COIL TEST
kunin ang yoke (field coil) atska yung tester. iswitch sa continuity mode (OHMS) ang tester. idikit ang isang lead sa field coil wire at yung isa sa katawan ng yoke. manalangin ka na "I" (infinity) ang reading (a.k.a hindi grounded) ang reading mo dito kundi magpapalit ka na ng buong starter o kaya irewind ito (kung rewindable). sa kaso ng starter ko e disposable dahil walang pihitan yung humahawak sa field coils.
[IMG][/IMG]
sunod, ilipat mo yung isang lead sa isang field brush. itrace mo lang yung wiring galing field coil papunta sa 2 carbon brush. dapat continuous ang reading dito gaya nung nasa litrato.
[IMG][/IMG]
tapos hindi dapat continuous naman sa natitirang 2 carbon brush.
[IMG][/IMG]
sunod sa brush holder, dapat not continuous pa rin ang reading.
[IMG][/IMG]
Ngayon, kung hindi akma reading sa apat na testing e bumili ka na lang ng brand new (replacement o OEM), brand new repaint o kaya iparewind mo ang field coil. regarding sa brush holder, ewan ko lang kung may nabibili. bakal yung frame pero insulated yung 2 carbon brush sa holder.
-
February 9th, 2015 01:33 PM #5
ARMATURE TEST
nasa OHM range pa ring ang tester. idikit ang isang lead sa commutator at yung isa naman sa armature coil. dapat not continuous kung hindi, e grounded ang armature.
[IMG][/IMG]
sunod, continuous dapat ang bawat segment ng commutator.
[IMG][/IMG]
not continuous dapat sa pagitan ng commutator at shaft.
[IMG][/IMG]
icheck na rin ang bearing kung may sayad. palit kung kinakailangan. lagyan ng grasa kung hindi selyado.
icheck din ang alignment ng armature shaft. kung baliko e kakaskasin nya ang field coil gaya ng armature sa litrato. kung mapapansin nyo e tanggal ang insulation nung left part ng armature coil dahil may konti bali ang armature. mayron nabibili na armature coil lamang
-
February 9th, 2015 01:36 PM #6
GEAR reduction
buksan ang lock.
[IMG][/IMG]
tanggalin ang c-clip
[IMG]
[/IMG]
tapos, lagyan mo ng kulangot ang gears.
[IMG][/IMG]
kung naikot ang starter pero di naikot ang makina, maaring solenoid (pull in/hold in coil) o reduction lever ang problema. pero kadalasan solenoid.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
GEAR reduction
buksan ang lock.
[IMG][/IMG]
tanggalin ang c-clip
[IMG]
[/IMG]
tapos, lagyan mo ng kulangot ang gears.
[IMG][/IMG]
kung naikot ang starter pero di naikot ang makina, maaring solenoid (pull in/hold in coil) o reduction lever ang problema. pero kadalasan solenoid.
-
February 9th, 2015 01:12 PM #7
Sunod ay yung end cover screws. andito banda yung mga carbon brush.
[IMG][/IMG]
tadannnnn!!!!!
[IMG][/IMG]
kung anak ka ng karpintero, marunong kang mamokpok. pero wag naman masyado malakas. bahagya lang para matanggal ang pagkadikit ng yoke.
[IMG][/IMG
kapag kumalas na, pwede mo na hugutin ang yoke. nakabahay dito yung field coils. maiiwan naman yung armature coil. yung armature ang umiikot habang steady lang ang field coil.
Ang CONTROL circuit gamit ang 4- or 5-pin 30 amps bosch relay at gage 12 wire:
Battery +12 volts --> relay terminal 85 --> relay terminal 86 --> ignition switch --> ground (para sa ground side switching)
OR
Battery +12 volts --> ignition switch --> relay terminal 85 --> relay termnal 86 --> ground (para sa hot side switching)
Ang LOAD circuit (gamit ang gage 10 wire):
Battery +12 volts --> relay terminal 30 --> relay terminal 87 --> solenoid "S" terminal
Ang solenoid ay isang klase ng heavy duty relay (switch). Kapag may +12 volts na sa "S" terminal ay magsasara ang contacts sa loob ng starter solenoid para dito na dadaan ang sandamakmak na amperahe (+- 200 amps kadalasan or mas mababa) galing sa battery mismo. magcoconnect na ngayon yung "B" at "M" terminals papunta sa field coil tapos carbon brushes. dito na ngayon iikot ang armature sabay tulak yung overrunning clutch para kumagat yung pinion gear sa flywheel ng sasakyan.
dito sa circuit na ito mo na makikita ang pinakamalalaking wires sa isang sasakyan. kadalasan gage 2 wires.
pasensya na wala ako drowing. imaginin mo na lang.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2015
- Posts
- 20
February 9th, 2015 01:19 PM #8ahh ganun ba, nag iisip na nga me ipatingin sa CASA yung Unit kaya lang baka tagain naman.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2014
- Posts
- 130
February 10th, 2015 10:16 PM #9di ba sir pede yung itutulak ng reverse para magstart pag lobat sasakyan, baka pede din baliktad, mas mahina lang siguro redondo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2009
- Posts
- 153
February 12th, 2015 08:17 AM #10Most important reminder before you start tinkering with anything that uses electricity, lalo na yang starter. DISCONNECT YOUR BATTERY. Para makalas mo ng tuluyan yung starter sa makina, tatanggalin mo yung wire na galing sa baterya dun sa terminal sa may solenoid. Pag nakakabit pa rin yung polo ng positive sa baterya at yung llave na gamit mo ay nadikit sa kahit na anong parte ng kotse tyak yan shorted mangyari na parang fireworks na puro spark. Secondly, pag kalas na yun starter at mag test run ka ng motor nito, make sure na nakaipit sa vise o kaya ay tapakan mo ng husto, mahirap hawakan lang unless sobrang lakas ng grip mo kasi malakas sumipa ( high torque) ang motor ng starter. Baka pumilipit braso mo o mabitawan mo. Safety first weekend mechanics!
Last edited by Wishing; February 12th, 2015 at 08:39 AM. Reason: spelling
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines