New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 10 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 96
  1. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    295
    #1
    Hey guys i need suggestions and inputs from fellow tsikoteers! Actually im an OFW here in Singapore and ive been working for 3 years now my heart says that i want to go back to Manila and start doing business there but seems that i am afraid as well to go back to Manila dahil lang sa economic status natin sa Pinas para kasing 1 year ko dito sa singapore eh parang nagtrabaho ako sa Pinas ng 5 years. anyways you guys got any good suggestion na pwedeng gawing kabuhayan jan sa atin. Hirap ng maging OFW masarap pa din sa Pinas kahit na puro kalokohan gobyerno natin heheh mga tsong saklolo naman! kailangan ko ng advice! im confused, i asked lots of people na pero dami nagsabi parang hirap umuwi sa pinas "wala daw mangyari" eh panu kaya yun Ang hirap!!! Gusto ko sana umuwi ng pinas magbusiness pero ala naman maisip mga Bro tulong naman alam ko marami dito sa tsikot ang mga expert. i need advice. Dami pa akong bigas kakainin im only 25 and parang ang hirap ng buhay..

  2. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    699
    #2
    my suggestion: baka kelangan mo lang ng bakasyon. mukhang nangungulila ka lang

    mahirap mag-negosyo dito. maliit ang margin. 9 out of 10 businesses is bound to close. been there myself.

    (but if you're really intent to put up a business here
    first, mahirap na umasa lamang sa negosyo. maganda na katayuan mo diyan. baka magulat ka kapag umuwi ka dito upang magtayo ng negosyo. hindi sure ball ang kita sa negosyo. mataas ang overhead (rent, manpower, electricity, water, etc) tapos andami pang mga buwis na kelangang bayaran. wala pa diyan ang kung sinu-sinong mga "tauhan ni mayor" na dadating sa shop mo na naghahanap ng kung anu-anong problema para lang kotongan ka. kapag negosyante ka, may tsansang walang kita sa isang buwan. pwede pa ngang lugi e. kapag employed ka, sure ball na may kikitain sa sweldo.

    now, ang best bet mo sana is makapagtayo ka ng negosyo habang may trabaho ka diyan sa singapore. yun nga lang, mahirap magnegosyo ng remote control. kelangan talaga hands-on. unang-una, sino mapagkakatiwalaan mo magpatakbo ng negosyo mo? mahirap kapag kaibigan, mas mahirap kapag kamag-anak.

  3. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    122
    #3
    we are on the same situation. i'm also here in singapore. malapit lang ang singapore sa pinas, kung namimiss mo masyado ang pinas, umuwi ka muna ng madalas, ang daming budget airlines at kung iishedule mo ng ayos maybe every other month pwede kang umuwi. if you will schedule in advance maybe you can get a return ticket for 4K.

    mahirap igive up ang 5 is to 1 salary. napakahirap ng business na walang risk na magbibigay sa yo ng ganung return.

    pamilyado ka na ba? if not pwede ka pang magtake ng bigger risk and do business sa pinas, it is a great oppurtunity.

    ako rin matagal ko nang gustong umuwi pero wala akong maiisip na good business sa pinas.

    just consider yourself lucky. mas maganda ang situation natin sa singapore than other ofw's in some other countries.

  4. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    295
    #4
    O nga eh cguro i need vacation! haha been working 7 days a week na lupit bossing ko eh nasa service line kasi so di pwede magbakasyon ng husto hay im still single pero need to plan for the future para kasing walang pupuntahan sir/maam pag employed ka lang eh di mo alam kung kailan ka papatalsikin ng amo eh para kasi wala din guarantee.. hirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon dito. pero kung sa bagay compared to other country, mas ok na din dito pero kung sakaling uuwi ako may mga business suggestions ba mga brothers and sisters sa tsikot?

  5. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    122
    #5
    i thought it's illegal to work 7 days a week here in singapore. unless maybe there is an agreement between you and the employer or you signed a waiver.

    kausapin mo na lang ang boss mo na bigyan ka ng shorter work week. kahit bawasan ka na lang muna ng sweldo. that is better than burning out. malaki pa rin naman siguro ang matitira. tutal binata ka pa naman. makakaipon ka pa rin.

  6. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #6
    yup mag-bakasyon ka na lang. mahihirapan ka na ulit mag-start from scratch dito. kung gusto pag-startin mo immediate family mo ng biz, tapos balik ka na lang pag-all set na

  7. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    295
    #7
    dami dito sir smooth 7 days a week nagtratabaho, nung una kasi isip ko sayang kita so actually ako nagask kung pwede ba pag off ko pasok na lang ako eh kasoo umabuso naman amo ko di na ako pinayagan haha well my parents is here in singapore as well nagmigrate na din sila dito, my lil sis is studying here in singapore as well kaya parang talagang im starting from scratch as in zilch zero para bang kumakain ako ng biogesic at kortal sa araw araw na iniisip ko na anu dapat gawin ko funny thou im only 25 dapat utak ko is free and easy and i aint married yet wala pa ako responsibility haay tingin ko di ako matahimik ng hindi ko masubukan umuwi at magbusiness sa mla eh the problem is fear dapat sa akin maraming sa ulo

  8. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #8
    In your case, I'd suggest mag-ipon ka pa muna before you even entertain thoughts of going back. Kahit magtayo ka ng business dito at kahit successful, mas malaki ang chance nung negosyo mo kung mas mahaba ang pisi. Also, you need to establish a 'nest egg' in case HINDI maging successful.

    Finally, I don't suggest you just ask forums about good business ideas. People with them WON'T tell you. And any info received may put you in a 'litson manok' industry -- only good for a few months or years. Some training in business couldn't hurt, either.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #9
    Quote Originally Posted by FedEx View Post
    dami dito sir smooth 7 days a week nagtratabaho, nung una kasi isip ko sayang kita so actually ako nagask kung pwede ba pag off ko pasok na lang ako eh kasoo umabuso naman amo ko di na ako pinayagan haha well my parents is here in singapore as well nagmigrate na din sila dito, my lil sis is studying here in singapore as well kaya parang talagang im starting from scratch as in zilch zero,para bang kumakain ako ng biogesic at kortal sa araw araw na iniisip ko na anu dapat gawin ko funny thou im only 25 dapat utak ko is free and easy and i aint married yet wala pa ako responsibility haay tingin ko di ako matahimik ng hindi ko masubukan umuwi at magbusiness sa mla eh the problem is fear dapat sa akin maraming sa ulo
    So PR holder ka na pala? Bakit ka pa naho-homesick, andyan na pala pamilya mo. Esep-esep lang Bro. Diyan ka na muna. Ano'ng opis ka ba napasok, sa Fedex ba (yun ang avatar mo). Kung 7days, yung 2 days OT yan. Nag-work din ako sa Sing. 5 working days (40 hrs/wk) lang kami. Pag sumobra, OT na yun.

    Siguro, nabasa mo na gumaganda economy Pinas ano, kaya gusto mo na umuwi? He-he!

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    2,027
    #10
    an investing book says it is better to try while you're young, as of now 25 yo din ako. And there are much younger peeps na sobrang galing ng business sense. When you're young kaya mo pang i-recoup ang losses dahil mahaba pa oras mo sa mundo . habang tumatanda tayo nababawasan ang ability natin to take risks. As for me, i took the plunge and failed miserably hehe. so charge to experience na lang. mahirap pag dinidibdib masyado and pera. Right now , nasa grains and wheats 60% ng capital ko. medyo risky pero manageable naman. so far so good. mas wise na!

    pero depende na lang po sa tao yan, may ibang conservative at pag-iipon ang style, and it works great for them. At dahil malaki naman ata kinikita mo dyan sa Singapore, ok na siguro dyan as of now. pero nakaka-akit kasi yung improvement ng economy ng pilipinas ngayun.
    Last edited by Negus; June 3rd, 2007 at 06:40 PM.

Page 1 of 10 12345 ... LastLast
Confused OFW Needs HELP!!