I applied for a loan sa BDO, kaso na decline and reason "delinquent credit/loan pending". Nakausap ko yung bank manager tinanong ko kung pede malaman yung pending na loan baka kako yung sa Credit Card ko lang. After 1 day sabi sa akin nang BM yung loan pending ko eh yung pinag co-maker ko na isang kamaganak.

Pinuntahan ko yung kamag anak ko para maliwanagan at magtanong kung anong nangyari dahil wala naman silang nabanggit. Nagkaproblema daw sila nang pagbabayad at muntik na ma hatak yung bahay. Nakipag areglo lang sila at pinagbigyan naman sila nang bangko thru re-structure program ata tawag dun at ngayon matatapos na hulugan.

Ang sabi sa akin ni BM, ten years after ma settle yung delinquent loan bago ako matanggal sa list as delinquent? Wala na bang way para mapa iksi or totally matanggal agad ako sa list? Ganun ba talaga yun? kahit co-maker ka lang same magiging bad creditor din ang status mo?

Sa banko lang ba ako banned or pati sa mga auto loan real estate etc. banned din ako? :arghhh: