Mga Sirs,

May question lang ako sa Fair Market Value (FMV) ng sasakyan. Ano/Saan ba basis ng insurance sa pagkuha ng FMV?

Yung insurance kasi namin until Oct. 8, 2013 lang. So, Oct. 07, 2013 nag renew kami. Yung Own damage/Theft/Insured amount at that time was 585k. Down from 650k nung Oct. 8, 2012. Kung titingnan nagkaroon ng 10% depreciation in a year (65k).

Tapos nung Nov. 2, naaksidente kami. Na approved ng insurance as total loss yung sasakyan pero yung FMV daw sa time ng accident is 484k.

From the time ng renewal, Oct. 7, to time ng accident, Nov. 2, eh wala pang 1 month ang pagitan. Pero 101k ang nabawas sa FMV? Unfair Market Value ata ang binibigay nila. That is 17.26% depreciation in less than a month.

Syempre i cocontest namin yung amount. Ang tanong ko pa, ano ba usually ang mga mangyayari (saka mga process) kung hindi mag agree sa amount? Meron ba sa inyo na naka experience nito and napabago nyo ba yung amount sa gusto nyo? Saka any ideas kung magkano dapat hingin namin? Ako kasi tingin ko dapat close to 585k pa rin kasi less than a month palang nung nangyari yung accident. So, mga 575k is OK dba? Kung tutuusin 10k depreciation na nga yun. Malaki na ibinaba compared sa 2012-2013 depreciation kung kukunin yung monthly depreciation (65k divided by 12 = 5416.67 per month).

Salamat in advance sa mga mag rereply and mag susuggest.