Results 1 to 10 of 45
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 24
June 10th, 2013 10:31 AM #1Hi mga sirs and mams hindi ko po alam kung ito dapat ang thread na pinaglagyan ko pero pakilipat na lang po if mali.
gusto ko lang po maging knowledgeable para matulungan ang bestfriend ko
ito po ang nangyari
nagsimula sya magbuying and selling and he is a seaman so nakabili ng unang kotse na pambenta na naka open deed of sale at nakita nya lang ito sa internet.
binayaran nya ang kotse sa halagang 500,000 pesos so tuwang tuwa siya dahil kala nga nakajackpot siya.
ito na ngayon ang nangyari:
after 1 week may buyer sya dapat ng kotse nya so pina check ng buyer nya sa lto ung or and cr na xerox copy tapos after 1 day tumawag sa kanya tinatanong kung may mortgage release ba yon so sabi nya wala at tinanong nya bakit kailangan ng gnon eh wala naman nakasulat na encumbered sa or at cr na hawak nya tapos sabi ng buyer nya ay may utang pa daw ito sa bangko upon checking nya sa hindi ko alam kung san nya ito pinacheck. nung nalaman ng bestfriend ko kinabahan sya at umiiyak tumawag sakin at naloko daw sya so chineck nmin sa lto at ayon peke pala yung hawak nyang or at cr na kala nya original at totoo may encumbered pa na nasa record daw.
ngayon hindi nya alam ang gagawin nya kasi hindi sya kumuha ng acknowledgment receipt sa binilan nya dahil nagtiwala sya at sabi dito ay naka open deed of sale kaya lalabas sya 2nd owner, tapos tama naman yung first owner at sya nga yung may record talaga sa kotse. bale yung binilan nya ay 2nd owner na. so ang hawak nya lang ay open deed of sale nung first owner at pekeng or cr, ids ng first owner na dalawa at may pirma ng tatlo kada kopya. pero wala syang hawak dun sa binilan nyang pinay at koreano.
hindi nya ngayon magamit ang kotse pero wala naman ito alarm sa lto sa ngayon kasi tinetext nya lagi ito. natatakot sya na baka anytime ideclare ito ng bangko o first owner na nacarnap at baka daw mahuli sya at makulong pa. iniisip nya isurrender ito sa bangko pero nanghihinayang sya sympre kalahating milyon ang halaga ilang taon nya pinaghirapan yon.
ngayon ang tanong nya posible kaya na makulong sya pag nakita na gamit nya ang kotse kahit na may deed of sale sya na hawak from the first owner? kasi ang plano nya ay gamitin ang kotse at di na lang ibenta dahil baka sya pa ang mademande dito dahil lalabas pag binenta nya ay sya ang huling tao na nanloko. sana po at makatulong ito at magserve na warning sa mga tao at sana din ay matulungan nyo kami sa dapat nyang gawin.
maraming salamat po sa mga magrereply
-
June 10th, 2013 10:45 AM #2
bakit hindi nya ni check bago nya bilhin? sa HPG mache check yan kung peke o hindi.. kontakin kaya nya yung pinagbilhan...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 24
June 10th, 2013 10:50 AM #3yon po ang isang malaking problema nya dahil sindikato ang mga nanloko sya di na nya mahabol. mukang yon ang modus nila magbebenta ng mga malaki pa utang sa bangko. bibili sila ng car na may encumbrance tapos ibebenta at pepekein or cr
salamat po sa reply
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 24
June 10th, 2013 11:11 AM #5hindi po siya pinacheck sir yun ang malaking pagkakamali nya. ang alam nya lang ung text sa lto tapos or cr at ids na may pirma. ang laking pagkakamali ngayon di sya makatulog gabi gabi. natatakot sya na baka mkulong pa sya kung gagamitin nya pa yung kotse kahit na may deed of sale sya
maraming salamat po sa reply
-
June 10th, 2013 11:15 AM #6
imho, magagamit nya yung oto since wala naman alarm and meron syang documents na hawak.
but moving forward, what he/she has to do is to coordinate with the bank kung saan naka mortgage yung oto and the things that they need to do to free up the mortgage. malay natin o hindi, baka wala naman talaganag problem na yung oto and may mali sa database or something.
yun nga lang, mukhang maluluge sya dyan dahil he/she will have to spend kung talagang meron utang, or possibly baka pwedeng hatakin ng bangko.
lessons learned, ika nga.
-
June 10th, 2013 11:22 AM #7
yes, lesson learned.. lalo na kung masyadong maganda yung deal.. think twice, thrice..
-
June 10th, 2013 11:28 AM #8
sabi nga, if it's too good to be true it probably is. bargain prices on used cars should sound an alarm bell automatically - carnap? encumbered? - flooded? - lemon car? - major collision? - or worst, used by criminals in a previous criminal activity, ratratin ka pa ng pulis kasi akala criminal ang sakay.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 24
June 10th, 2013 11:29 AM #9nacheck na po nya sa bangko at nalaman may balanse pa pala talaga tpos may kaso na daw for repo. malamang ngayon kinukulit na yung first owner nung kotse. ang kinakatakot nya ngayon baka magulat na lang sya bigla magkaalarma yung kotse since yung first owner ay kinukulit na ng bangko malamang sa ngayon. so baka ideclare ng bangko daw or ng first owner na car nap at habang gamit nya itong kotse ay maspottan sya na ginagamit ito at ikulong sya.
maraming salamat po sa reply sana more advice pa po.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 24
June 10th, 2013 11:30 AM #10actually sir yebo the price of the car was good enough. kasi mabenta nya lang at kumita ng 50k ay ok na sa kanya at sabi ng seller ay need lang talaga ng pera. kaya di din sya nagtaka dahil maliit na kita sa kanya ay ayos na basta umikot lang yung pera nya na hawak