Results 1 to 10 of 14
Threaded View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2011
- Posts
- 30
October 21st, 2019 04:56 PM #1Hello sa lahat! Help nyo naman ako mamili ng car for our family here in Doha. Manganganak na si misis soon and we're living here. Having said, comfort and safety are my very top priority. With decent space na din for strollers, other stuff. I would like to give them that feel na relax sila with comfortable ride.
Sedan
I consider sedans kasi yung mga bagong sedans ngayon would have features na din ng mga SUV's/ CUV's/ MPV's. Plus hindi mahihirapan si misis umakyat baba, mas mura sa SUV at hindi under powered. Kaya lang biggest concern ko dito is baka hindi enough ang space if kailangan namin maglagay ng strollers, other baby stuff kapag namamasyal. And isa pa baka eventually kapag maglilipat kami ng gamit kapag lumipat ng bahay. Pero isa or dalawang beses lang naman mangyari ang lipat-bahay. I also don't know if mas safe ba o hindi sumakay sa isang sedan.
Below are my options, but open for suggestions:
Camry, Altima, Accord, Optima, Mazda 3, Mazda 6
CUV
One of the reasons I am considering this type of vehicle is the height. I'm not sure if tama ako na kapag mas mataas ka, mas safe ka and mas comfortable at hindi matagtag. Gusto ko din itong mga ito dahil mapoporma na sila ngayon. Maganda na itsura nila. Kaya lang, baka lang di ako sure if mas comfortable sila compared sa mga Sedans na nabanggit ko and as well sa mga totoong SUVs. And mostly 1.6, I think under-powered sila? Baka overall, mas ok pa mag Sedan? Basta maganda ang ride, hindi matagtag at comfortable, ok ako dito kahit medyo underpowered since mas tipid naman sa gas.
Below are my options, but open for suggestions:
Kicks, Renault Duster, EcoSport
MPV/SUVs
No doubt this would give you comfort and safety. It gives you speed and porma as well. I just think that the real SUV's are so big and expensive for us. Also, baka mahirapan si misis mag akyat-baba. Hindi naman kami mahilig pumunta sa desert, if mangyari man yun sobrang bihira lang siguro kaya yung offroad nya di magagamit gaano. Yung mga entry level na MPV's naman, I'm not sure if ok din ang ride and comfort.
Below are my options, but open for suggestions:
RAV4, Innova, Monterosport, CRV
Other small considerations:
Resale value (we're using the car 2-5 years only)
Brand new vs Used (people come and go basta maka spot ng slightly used with good price)
I'm just looking to have more insights to help me decide. Alam ko kasi madami na din dito nakasubok na sa ibat ibang types ng sasakyan. Also maybe recommendations and considerations na din.
Thank you!!!
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines