Planning to enter the school bus business. Pinagiisipan ko kung ano mas maganda at praktikal sa dalawa.

H100:
PRO: - P818,000 brand new pwede iutang sa banko at maganda ang dating sa mga parents dahil bago pa sya.
- Wala problema in the next five years dahil may warranty sya
- tingin ko masarap imaneho (komportable) kaysa sa L300 dahil bago design.
- Mas marami sakay 21 seater at maluwag pa sa mga bag

CON: - Hindi ako magddrive.
- resale value nya, pag hindi ganun kaganda ang school bus biz malaki ang depreciation nya since brand new.
- Wala ako balita sa performance ng engine nya
- Baka mahina nag pang-ilalim nya. Starex ko na 2008 medyo may kalampag na sa ilalim ingat pa ako magmaneho lalo na sa lubak.

2007/08 Nissan Urvan:
PRO: - Proven reliability, Gamit ng mga GT express sigurado may piyesa at kaya gawin ng mekaniko sa kanto.
- Depreciation value hindi ganun kalaki ang tama pag binenta since second hand na sya.

CON: - Second hand
- konti ang sakay (12/15/18 seater) masikip pag may bag
- baka hindi ko maiutang sa banko since second hand o mas mataas ang rate nya.
- iba iba ang kulay.

Plano ko po kasi maglabas ng 2 to 3 na sasakyan. Tulong naman po mga tsikoteers want to know your opinion on this.

Maraming salamat po