New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 25
  1. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    31
    #1
    Baka po may mga makakapagbigay ng advice.

    I plan to upgrade my ride, Crosswind Xtrm 2002 pero dahil sa limited budget, hindi ko yata ma-afford na bumili ng mas bagong Crosswind. So Avanza ang iniisip ko. My questions:


    1. Ok pa kaya ang 275thou selling price considering 173K ang mileage? Pero good running condition sya, medyo may mga scratches at dents lang. Pero walang major problem. Kakapalit ko pa lang ng OEM clutch disk at pressure plate last year, maayos pa ang gulong, maayos pa ang makina.

    2. Mas ok kaya na sa used car dealers na lang ako pumunta tapos trade-in? Para mas convenient. Madali kasing bumili ng sasakyan basta may budget. Pero mahirap magbenta, nakakatakot pa baka maloko (or worse) ng prospective buyers.

    3. Kung papapiliin kayo, mga 07-08 Avanza G o mas bagong J?

    Salamat po sa mga sasagot.

  2. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #2
    kung 275k luge ka ,mataas ang resale value ng isuzu , may mas matataas pang mileage ng crosswind eh nasa 350-380k pa pataas ang bentahan,

    kung matino pa naman ang crosswind mo , bakit hindi mo nalang i facelifted ang 2002 crosswind mo sa 2013 sportivo ? . madaming gumagawa ng ganun sa team isuzu pilipinas ,matutulungan ka nila may kinukuhanan silang parts

    katulad nito 2004 model ,peru 2012 sportivo look .

    2004 isuzu crosswind xuv AT-FINANCING OK - Philippines - 19327224

    peru kung gusto mo talaga mag upgrade dun ako sa may brand new (bagong J) , iba pa rin ikaw yung basal sa auto .

  3. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    641
    #3
    Honestly, I can't think of any upgrade for your XTRM other than an Innova, though, a newer Isuzu would also be a good choice. The Avanza may be a good vehicle, but I think I cant consider it as an upgrade, the Crosswind is a notch higher than an Avanza in terms of size, capacity, efficiency and durability (no offense to Avanza owners). If Im in your position, given the limited resources, I would definitely stick with the Crosswind. Some of my friends have clocked 300+ km on their Crosswind and still performs great, anyway, its just me. Still up to you though. Good luck!

  4. Join Date
    Feb 2013
    Posts
    487
    #4
    Quote Originally Posted by jrn29 View Post
    kung 275k luge ka ,mataas ang resale value ng isuzu , may mas matataas pang mileage ng crosswind eh nasa 350-380k pa pataas ang bentahan,

    kung matino pa naman ang crosswind mo , bakit hindi mo nalang i facelifted ang 2002 crosswind mo sa 2013 sportivo ? . madaming gumagawa ng ganun sa team isuzu pilipinas ,matutulungan ka nila may kinukuhanan silang parts

    katulad nito 2004 model ,peru 2012 sportivo look .

    2004 isuzu crosswind xuv AT-FINANCING OK - Philippines - 19327224

    peru kung gusto mo talaga mag upgrade dun ako sa may brand new (bagong J) , iba pa rin ikaw yung basal sa auto .
    Before ako bumili ng Innova ngayung taon lang, ang presyo ng 2004 Crosswind XUV ay 380k at ang mileage ay around 60k, that is direct from the seller mismo, magbibigay lang ako sa ahente ng 5k and yung seller magbibigay rin ng 5k.

    Kung sa mga ahente ka magbebenta or buy and sell, or i-trade in mo yan, babaratin ka lang. Nakuha ko Innova E 2008 VVTI ng 270k ang mileage ay nasa 50k, nagbigay ako ng 30k para sa agent ng Ford at yung neighbour ko na ahente, tradein yung Innova ng isang seaman sa Ford.

    Ito pa ang isang pangit sa pagbebenta ng mataas na mileage na sasakyan, kahit pa anung record ipakita mo sa buyer, kahit pa casa records yan at orig parts, babaratin at babaratin ka dahil mataas mileage mo.

    So if ako yung buyer mo, kahit pa wala ng ahente, di ako kakagat sa 275k, mas mataas sa average na 10k km per year ang mileage mo.

    Di rin ako naniniwala na mataas ang resale value ng Isuzu, di lang bumabagsak ang floor price ng crosswind dahil kahit ano year model, same ang itsura, same rin ang features.

    If isa ka sa naniniwala na ang crosswind ay ang chuck norris nga mga AUV's, then ipa-facelift mo na lang and maintain it, else sell it sa willing bumili sa selling price mo.

  5. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    31
    #5
    Salamat sa inputs.

    Oo nga, hindi pala talaga ito consider "upgrade" kasi mas maganda ang features ng crosswind. Kaya ko lang talaga naisip na i-trade in na ay dahil napapraning na ako sa mileage nya. Option pa din talaga na i-maintain sya for maybe 2-3 years (ipon-ipon muna) until the time na makaka-afford na ako ng totoong upgrade. Di ko lang kasi alam saan ipapaayos yung mga gusto kong paayos e. Maganda sana kung may maka-discussion tungkol sa mga pagpapaayos. Magbabasabasa na rin ako sa isuzu forums.

  6. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    559
    #6
    I dont think upgrade ang avanza. Stick to your crosswind. Sabi mo naman maganda condition diba? Unless may nakikita ka nang symptoms ng malala lalang repair i dont think downgrading to an avanza is worth it. Ipon ka nalang muna sir tapos pagmalaki laki na yung maidadagdag mo then its time to scratch your itch. Coming from a crosswind, suv ang best upgrade or innova. Hintay hintay ka nalang malay mo montero or fortuner pa ang maipalit mo dyan.

  7. Join Date
    Feb 2013
    Posts
    487
    #7
    Kung ako sir may ari ng crosswind mo, maghahanap ako ng magaling na mekaniko at lahat ng reapir and maintenance ko ay OEM parts. If concern mo yung mileage mo and naiinis ka kakatingin sa odometer mo, pwede mo naman yan irewind sa gusto mo na mileage.

    Pwede mo rin i-pa overhaul ang engine mo kung sa tingin mo kailangan na, make sure na oem parts nga lang talaga bibilhin mo.

  8. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,870
    #8
    Kung gusto mo talagang ibenta Crosswind mo, ads mo na lang dito o sa A Y O $ or sa $ U L I T or
    iparada mo na lang sa harap bahay niyo with FOR SALE + Cel no. ayos na!

    Asking price mo say 350K Negotiable pa. Kapag may kumagat ng 300-325K eh di ok na di ba.
    Ang tawad naman ng serious buyers eh usually 10% or less from the asking price.

    Mas effective ito kesa dalhin mo sa mga used car dealers para sila bumili or magbenta for you.
    Kung 300K asking mo, They usually buy it for 240K and sell it for 360K.
    If you got my point, it's buying at 20% less and selling at 20% more... hmmmnnn, ganun na nga.

    Agree naman ako kay sir jvnj... better upgrade kung Toyota is the Innova. But naisip ko nga na short ka
    sa budget kaya isip Avanza. :sad: It may just be me, but it's really hard to let go an Isuzu vehicle.
    Kung ako lang, garage sale my Isuzu (if I can't keep it) and get the brand new Avanza J. HTH :thumbup:

  9. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #9
    Quote Originally Posted by siopaonatoasted View Post
    Before ako bumili ng Innova ngayung taon lang, ang presyo ng 2004 Crosswind XUV ay 380k at ang mileage ay around 60k, that is direct from the seller mismo, magbibigay lang ako sa ahente ng 5k and yung seller magbibigay rin ng 5k.

    Kung sa mga ahente ka magbebenta or buy and sell, or i-trade in mo yan, babaratin ka lang. Nakuha ko Innova E 2008 VVTI ng 270k ang mileage ay nasa 50k, nagbigay ako ng 30k para sa agent ng Ford at yung neighbour ko na ahente, tradein yung Innova ng isang seaman sa Ford.

    Ito pa ang isang pangit sa pagbebenta ng mataas na mileage na sasakyan, kahit pa anung record ipakita mo sa buyer, kahit pa casa records yan at orig parts, babaratin at babaratin ka dahil mataas mileage mo.

    So if ako yung buyer mo, kahit pa wala ng ahente, di ako kakagat sa 275k, mas mataas sa average na 10k km per year ang mileage mo.

    Di rin ako naniniwala na mataas ang resale value ng Isuzu, di lang bumabagsak ang floor price ng crosswind dahil kahit ano year model, same ang itsura, same rin ang features.

    If isa ka sa naniniwala na ang crosswind ay ang chuck norris nga mga AUV's, then ipa-facelift mo na lang and maintain it, else sell it sa willing bumili sa selling price mo.

    ganun talAGA sir yan yung mga tinatawag na madalian na benta or tsamba , may mga ahente din ako na kilala , marami talaga tsamba na benta lalo na kung marami ka kakilala na ahente.

    katulad nga nun nakakuha yung ahente na kakilala ko ng 2009 montero sport 700k at 2010 sportivo nasa 490k lang ang price mga direct seller din. Eh yung sinsabi ko kasi yung "KALAKARAN NA PRESYO" talaga ng sasakyan . eh kung buy and sell price ang turing mo sa presyo ng auto mamahalan ka talaga sa tunay na market price ng sasakyan , Eh sa kalagayan mo yan sir swerte ka ,may mga kakilala ka at makukuhanan ng mga murang preyso ng sasakyan

    Kung ipapabenta mo sa ahente hindi babaratin yan kasi hahanap sila ng buyer na kakagat sa gustong price mo .

    btw matibay ang isuzu normal lang sa ganyan mileage nila ,kung na iinis ka ipa overhaul mo tsaka ipa rewind mo yung mileage parang bago ulit yan , tapos sabay facelift ng 2013 sportivo :-)
    Last edited by jrn29; August 18th, 2013 at 11:02 PM.

  10. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,235
    #10
    D4D Innova would be a suitable upgrade from your Crosswind. You get a much more modern car and yet still with good gas mileage. That is, unless you need the 10 seater capacity, with which you would be better off with a Starex.

    Another choice if you like the ruggedness of the Crosswind would be the Ford Everest.

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

will trade-in Crosswind 02 + 100k-- What to buy?