Results 1 to 10 of 56
Hybrid View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2017
- Posts
- 25
September 15th, 2017 12:05 AM #1Hi Tsikot members, hihingi lang po sana ako ng tulong para sa mga experienced na sa pagbili / pagbenta ng kotse. Heto po ang nangyari:
Bumili po kami ng 2nd hand na kotse, father ko po ang pumirma sa deed of sale at nagpa notaryo din po. nagbayad at nakuha na po namin ang kotse. kinabukasan po, ng nacheck ng tito ko yung mga dokumento, may kulang daw po. 3rd owner na po kami ng kotse, heto po ang mga naibigay sa amin.
- OR / CR (nakapangalan sa 1st owner)
- notarized deed of sale (between 2nd owner at sa amin na 3rd owner)
- xerox ng 2 ID at 3 signature ng 2nd owner
- TPL / insurance (nakapangalan sa 1st owner)
hinahanap po ng tito ko yung:
- deed of sale (between 1st owner at 2nd owner)
- 2 ID at 3 signature ng 1st owner
kinausap po namin yung 2nd owner na nagbenta sa amin, hindi nya maibigay sa amin yung DOS at ID ni 1st owner dahil hindi daw si 1st owner ang nagbenta sa kanila kung hindi yung kaibigan daw ni 1st owner, kumbaga pinabenta lang. ang sabi daw sa kanila eh "to follow" na lang daw yung ID ng 1st owner after nila magka bentahan, hanggang ngayon wala pa din daw binigay sa kanila. 3 months na nila ginamit yung kotse and nabenta na nga sa amin. Ang huling sinabi ng 2nd owner sa amin ay ipapadala na lang daw nila yung ID at DOS nila nung nagbenta sa kanila. Meaning, parang wala pala talaga si 1st owner. ayaw nila magbigay ng kahit ano na makokontak namin yung nagbenta sa kanila. Sila na daw mag aasikaso.
Ang tanong ko po:
1. pwede ba namin isoli yung kotse at bawiin ang pera, sa legal na paraan, kung wala sila maibigay na totoong DOS at ID at pirma ng 1st owner o yung nagbenta sa kanila?
2. kung wala sila maibigay at wala naman kami balak ipatransfer ang ownership sa amin, ok lang ba na maibenta din namin ito?
3. kung wala namang alarma sa LTO at narerehistro naman ang kotse, ok lang ba na hindi na namin kunin yung DOS, ID at pirma ng 1st owner?
Maraming salamat po sa inyong lahat!
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 53,883
September 15th, 2017 12:19 AM #21. puede kayong mag-soli-an ng nagbenta sa inyo, kung papayag si siya. kung hindi pumayag, ay malamang sa korte ang bagsak ninyong dalawa, kung mag-pipilitan..
2. ok ibenta, kung may bibili ng sasakyan na yang may patid sa chain of ownership. someone like... you! (my apologies, but the plain fact is, you made a mistake in buying that car.)
3. do you feel ok, driving and maintaining a car that you know, will never be legally yours? if yes, fine!
might i point out another course of action.
find the original owner and ask him if he has an original deed of sale to the 2nd owner.
but my guess is, the guy who sold you that car knew exactly what he was doing.
good luck.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2017
- Posts
- 25
September 15th, 2017 12:26 AM #3thank you po sa pagsagot sir, yes po mali po namin dahil hindi po namin nacheck lahat, dahil father ko lang ang pumirma at di ko rin alam kung bakit hindi nya napansin yung mga pinipirmahan nya. and yes, hinanap po namin yung 1st owner pero d namin makita, and ang sabi nung seller sa amin is, pinabenta lang daw ng 1st owner sa kaibigan nya (yung nakipag meet kay 2nd owner) kaya hindi daw nila nameet si 1st owner personally. ang nakakapagtaka ay hindi nya maibigay agad yung DOS nila ng nagbenta sa kanya. iniisip ko tuloy baka may gawing "magic" lang ang ibibigay na hinihingi sa amin. inaantay pa po namin yung sinasabi nya na IDs, pirma at DOS daw. pero if sakali na fake pala ang ibigay nila, dagdag ba lalo ito sa pwde reklamo laban sa kanya?
-
September 15th, 2017 06:54 AM #4
pede ring makita as nakaw yan bro since walang tulay between the 1st owner and anyone of you.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 53,883
September 15th, 2017 08:50 AM #5syangapala... the original owner's address is on the CR. go hunting, sir.
-
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 686
September 15th, 2017 09:48 AM #7Red flag yung walang deed of sale at id si 1st owner. Baka isa yang kotse na yan dun sa mga rentagay scam. Most likely wala na yung perang pinambayad mo.
Maganda mo gawin sir as a first step, i check mo na agad sa TMG/HPG kung naka alarm as hot car yung kotseng nabili mo bago pa mahuli ang lahat. Sakit sa ulo yan sir pag balasubas yung nagbenta sa inyo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2015
- Posts
- 204
September 16th, 2017 12:52 PM #8need mo lang naman id. kung ayaw pa rin hayaan mo na. tignan mo na lang kung san una narehistro then pahugot mo kung may kakilala ka sa lto branch na yun. ok na yan. basta di nakaw
Sent from my SM-G955F using Tapatalk
-
September 16th, 2017 02:15 PM #9
Hypothethetical question: what if the 1st owner of the car has already gone on to the great beyond?
when you look into the abyss, the abyss looks into you
-
September 16th, 2017 02:56 PM #10
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines